Chapter 27

11.5K 372 52
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula noong kunin ni Luke ang anak namin dahil nga gusto itong makasama ni Tito bago sila pumuntang America. Dapat ay kahapon pa niya naibalik sa akin si Lucas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala habang hawak ang cellphone ko. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Luke ngunit unattended ang phone nito. Si Bluie ay nakaupo sa sofa habang sapo na ang noo.

"Puwede bang kumalma ka? Kanina pa ako nahihilo sa 'yo. . ." Ngumiwi siya at napakamot sa ulo.

Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi ko bago kinakabahang humarap sa kaniya. Kumakalabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan.

"Parang may mali kasi, eh. . . Feeling ko may mali talaga," Sunod-sunod akong umiling kay Bluie habang pinapakiramdaman ang malakas na pagkalabog ng aking puso.

Bluie rolled her eyes at me. Tumayo siya at hinila ang braso ko para pilit na paupuin sa sofa. Tatayo sana ulit ako pero dinuro niya ako at pinanlakihan ng mga mata. "Diyan ka lang. Ikalma mo 'yang sarili mo. Ikukuha kitang tubig," may pagbabantang aniya at tumalikod na patungong kusina.

Sinundan ko lamang siya ng tingin bago nagpakawala ng malalim buntonghininga. I bit my lower lip and tried my luck to dial Luke's number again pero kagaya kanina ay unattended pa rin ito. Tinadtad ko na rin siya ng mga mensahe pero ni isa ay wala akong natanggap na tugon mula sa kaniya.

Wala naman akong problema kung magkasama sila kaso ang sabi niya ay isang araw lang daw niya hihiramin si Lucas tapos kinabukasan ay isasauli na rin niya which is dapat kahapon pa iyon. Malinaw din ang usapan namin na ia-update niya ako tungkol kay Lucas minu-minuto para hindi ako mag-alala ngunit simula nang kunin niya sa 'kin ang anak namin hindi na siya nagparamdam pa kaya habang tumatagal ay mas lalo lamang tumitindi ang aking pag-aalala.

Nang sumapit nga ang dilim ay hindi na ako nakapagpigil pa. Iba na talaga ang kuto ko. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita ang anak ko at hindi ko nasisigurong okay lang siya.

Isinuot ko ang hoodie ko at lumabas ng bahay.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Hinabol ako ni Bluie at pinigilan.

"Pupunta ako kina Luke," tugon ko at akmang hahakbang na paalis nang pigilan na naman niya ako.
Nagpapadyak na ang paa ko sa sobrang inis. "Ano na naman ba?!"

"Gaga ka ba? Sa tingin mo ba ay papayagan kitang pumunta roon mag isa? Siyempre sasama ako," asik niya at mas nauna pa ngang maglakad kaysa sa akin.

Mas lalo pang dumoble ang tambol ng dibdib ko habang papalapit kami sa bahay nina Luke. Napatingin ako kay Bluie nang hawakan niya ang kamay ko at hinigpitan iyon nang mapansin niya ang panginginig ng aking katawan.

She nodded at me encouragingly as her lips curved into a reassuring smile.

"Kinakabahan ako. . ." wika ko sa kaniya habang nakatingala sa mataas na gate.

"Ano ka ba! Nandito lang ako. Hindi kita papabayaan." Tinapik niya ang aking balikat.

Napansin niya siguro ang pagiging balisa at panginginig ng aking kamay kaya siya na mismo ang pumindot sa doorbell na may halo pang panggigigil. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas na ang gate at bumungad sa amin iyong katulong nila.

"Ma'am Rose?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya 'ko. Para siyang biglang nataranta na ewan. "A-Ano pong ginagawa niyo rito? Bawal po kayo—"

"Ate, gusto ko lang malaman kung nariyan si Luke at ang anak namin. Hindi po niya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Nag-aalala na po kasi ako. . ." putol ko sa sinasabi niya.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon