Chapter 30

20.2K 561 366
                                    

Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakasakay sa loob ng kotse ni Luke. Kumakalabog ang aking dibdib at hindi ko magawang makapagsalita. Tahimik lamang kaming dalawa. Ang buong atensyon niya ay nakatuon sa kalsada, ngunit bahagya itong sumusulyap sa akin bilang pag-alalay. Gamit lamang ang isang kamay niya sa pagpihit sa steering wheel habang ang kabilang siko niya ay nakapatong sa bintana, ang daliri ay hinahaplos ang kaniyang pang-ibabang labi.

Mabilis ang pintig ng aking puso at napra-praning ako na baka sa sobrang tahimik namin ay naririnig niya iyon. I cleared my throat to ease the awkwardness between us. Maamo ang mukha niyang lumingon sa 'kin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Are you okay?" he asked me softly. Worrying was evident in his eyes.

Tipid akong tumango at saka umiwas ng tingin. Ibinaling ko ang ulo ko sa bintana at narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang naglilikot sa isip ko ang napakaraming katanungan.

What if ayaw sa akin ni Lucas?

What if galit siya sa akin at hindi na niya ako tanggapin bilang Mommy niya?

Naiisip ko pa lamang iyon ay kumikirot na ang puso ko pero hindi ko maipagkakailang mas nangingibabaw pa rin ang saya at excitement dahil sa wakas. . . after four years ay makikita ko na ang anak kong si Lucas.

Hindi na ako nananaginip o nangangarap lang.

Tumuwid ako ng upo nang pumasok kami sa isang subdivision. Naging alerto ako at mas dumoble pa ang kalabog ng dibdib ko lalo na nang tumigil kami sa tapat ng maganda ngunit hindi masyadong kalakihang bahay. Dalawang palapag iyon at halatang katatayo pa lamang.

"We're here," Luke muttered after a long silence.

Sunud-sunod akong tumango at lumunok habang nakatingin pa rin sa bahay. Mukhang naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko kaya naman dahan-dahan niya iyong ginagap at hinawakan nang mahigpit.

"L-Luke, what if–"

Luke cut me off. "Stop your what ifs, Rose. Trust me, okay?" He gave me a reassuring smile.

Tumitig lamang ako sa kaniya bago marahang tumango. Kahit anong pampakalma ang sinasabi niya sa akin ay hindi iyon umeepekto bagkus ay mas lalo pang tumitindi ang kaba ko habang papalit kami ng papalapit sa pinto.

Luke opened the door slowly at ang unang bumungad sa amin ay dilim. May natatanaw akong kaunting liwanag mula sa dulong bahagi na sa tingin ko ay kusina. When he turned on the lights, nakarinig ako ng matinis na boses ng bata, dahilan para agad manginig ang mga labi ko sa nagbabadyang luha.

"Yaya, nandiyan na po si Papa Pogi ko!" the child cheered at ilang sandali lamang ay may narinig na akong yapak ng mga paa papalapit sa amin. "Papa's here! Papa's here!"

Napaawang ang labi ko nang sumulpot ang isang batang lalaki na tumatakbo papalapit sa direksyon namin. Batang animo'y photocopy ni Luke magmula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong, mapulang labi, matambok na pisngi at makapal na kilay. He has a soft feature like his father. Maputi at makinis ang balat nito na para bang hindi nasusugatan o nadadapuan ng lamok. Kasunod nito ay isang matandang babae na sa tingin ko'y nag-aalaga kay Lucas.

Her lips parted when she saw me, like she saw a ghost of from the past. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa anak kong ang mga mata ay naka-focus lang sa kaniyang Papa.

His eyes twinkled when he saw his father. Idinipa nito ang mga braso at agad naman siyang niyakap at kinalong ni Luke.

He kissed the child's forehead.

Luke gave him a small smile and pinched his cheeks. "How's my baby boy? Bakit gising ka pa, hmm?"

"Kasi Papa, 'di ba sabi mo po may gift ka sa akin kaya hindi muna ako nagsleep." Lucas pouted and stared at his father. Inilahad nito ang maliit niyang palad sa kaniyang Papa. "Nasaan na po gift mo, Papa?" inosenteng tanong pa nito.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon