Prologue

6 1 0
                                    

Disclaimer
Any names, character, events and places in the story are fictitious.

***

Ibinagsak niya ang pintuan at inihagis ang sarili sa malambot niyang kama. Mainit ang ulo niya at hindi alam ang gagawin sa sarili. Naguguluhang isip ang mayroon siya buong buhay niya.

"Daaaaamn!"

Sinabunutan niya ang sarili niya at iniuntog ang ulo niya sa kama ng paulit-ulit. Hindi siya komportable sa nangyayari at gusto niya nang malamon ng lupa. Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa mabuhay ng kontrolado at walang kalayaan.

Inisapo niya ang kamay sa dibdib niya. Hindi na bumabagsak ang mga luha niya dahil sa sobrang bigat ng mga bagay na nasa isipan niya. Ang tanging nararamdaman niya ay pait at sikip.

Hindi siya maka galaw ng maayos sa kahit saan, kani-kaniyang masasayang buhay ang mayroon ang mga kaibigan niya samantalang siya ay hindi manlang magkaroon ng simpleng kalayaan.

Tumayo siya sa kama at naupo. Nag isip siya ng mga paraan kung paano ito mawawakasan. At isa lang ang pumasok sa isipan niya. Ang pagpapa tiwakal.

Kinuha niya ang mahabang kurtina sa bintana at isinabit sa kisame ng kuwarto niya. Ibinuhol niya ng pabilog ang dulo para mag kasya ang ulo niya at handa na siyang mag paalam.

"I'll just end myself, and then, I am done." Ngumiti siya ng mapait.

"At least I will have freedom in somewhere, in the other life."

Ibabagsak na niya ang upuan nang may maalala mula sa huling taong naka usap niya kahapon. Ang lalaking 'yon.

“Psh. Ba-bye nalang sa'yo, uuwi na ako sa probinsiya bukas at hindi na ako babalik dito. Hindi ko na makikita at makaka usap ang isang masungit na gaya mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. "M-Maybe he'll let me to go with him.."

Bumaba siya sa upuan at kinuha ang telepono niya. Nag madali siyang hanapin ang pangalan nito sa Viber.

Ito nalang ang huling bagay na magagawa niya. Hindi bali nang mag maka awa siya dito para lang ilayo siya sa pamilyang 'to. At kahit pa lumuhod siya, gagawin niya parin.

Uh, no. I won't. Magpapakamatay nalang ako imbis na lumuhod sa harap niya.

Dali-dali niyang tinawagan ang lalaking ito at agad naman siyang sinagot nito. Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang boses nito.

"U-Uh, Julio?"

"Ano'ng kailangan mo? Nag iimpake na ako-"

"Isama mo ako sa probinsya, please, Julio. Please!"

Hindi agad naka sagot si Julio dahil sa pinagsasabi nito. Kumunot ang noo niya bago ulit mag salita.

"Teka lang, ikaw ba 'to, Samantha? Si Samantha Averion ba ang kausap ko?" Paninigurado nito.

Inirapan ito ni Samantha. "Yes, dumbitch. Ako 'to. Please, isama mo na ako-"

"Ah-ah! Ikaw pa ang matapang, ayaw ko nga!"

Nag dabog si Samantha nang sabihin niya ito. "Damn, I am serious. Ayaw ko na rito, Julio. Isama mo na ako, h-hindi na ako magiging masungit sa'yo, isama mo lang ako!"

Napa ngisi si Julio sa kabilang linya. "Excuse me? Tama ba ang naririnig ko? Hindi ka na kamo magsusungit? Aayusin mo na ang ugali mo?"

"Urgh. Oo! Just—pick me up in here, sa likod ng bahay, tatakas ako palabas, bilisan mo na!"

Napa tawa si Julio. "Haha! Osige, pero siguraduhin mong hindi ako madadamay sa mga kalokohan mo, ayaw kong makulong—"

"Come on. We're running out of time. Baka maabutan ako ng parents ko, hurry!"

"Oo na, sige. Parating na."

Napa pikit si Samantha at ngumiti dahil sa ginhawa. Lumuwag ang dibdib niya at napanatag na ang loob.

"I can..." Naluha siya ng kaunti. "Finally meet freedom."

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon