Chapter Four

4 0 0
                                    

Samantha's Point Of View.

I really can not believe this. I am out of my mind, is this heaven? I mean, people here are really really good. Hindi ko sila kilala at lalong hindi nila ako kilala pero todo ngiti at bati sila sa akin. Para silang mga anghel, the way they beam their sweet smiles at me makes my heart flutter and melt.

What a life.

Simpleng simple lang ang mga trabaho at buhay nila dito pero parang napaka blessed nila. Iba din talaga. S'werte ko at isinama talaga ako ni Julio.

I smelled fresh and blooming flowers when I walked in this place. Mga pwesto ng bulaklak. Ang kukulay at babango. Mukhang mga bagong pitas. Bouquet, tingi at mga flower crowns. Ang gaganda.

Napa dako ako sa isang pwesto at tiningnan ang mga makukulay na flower crowns. Naalala kong wala nga pala akong pera, sayang. Gusto kong bumili.

"Ano 'yon?"

Nabigla ako nang sumulpot ang isang lalaki sa gilid ng pwesto ng mga bulaklak. Naka ngiti ito at urgh—ang guwapo niya. Kasing guwapo ni Julio, oo, gano'n. Napaka gwapo ng mga lakaki dito, bakit?

"A-Ay... W-Wala, napa tingin lang a-ako.." I smiled awkwardly. Damn, bakit ako nauutal?

"Sigurado akong bagay 'yan sa'yo." Lumapit siya sa akin.

Kinuha niya ang isang flower crown at isinuot sa ulo ko. Naka ngiti niyang isinuot 'yon. Actually, parang naka-pinta na sa mukha niya ang ngiting 'yon. It's just so cute, it makes him look more handsome.

Natulala nalang ako sa kaniya habang isinusuot niya ang flower crown sa akin. Habang siya ay naka ngiti lang.

"Ay, pasensya na, wala akong dalang pera—"

"Iyo na 'yan, pasobra lang naman 'yan sa mga ginawa ko. At saka, bagay sa'yo. Bagay na bagay." Naka ngiti niyang saad.

Nahihiya ako. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko at talagang nakakahiyang humarap sa kaniya. Lord, siya na ba ang lalaki para sa'kin?

"S-Salamat.." Napa yuko ako.

"Bakit parang nahihiya ka? Ayos lang 'yan. Saka nga pala, ano'ng pangalan mo?" Tanong niya.

"Samantha. Samantha ang pangalan ko. Ikaw?"

Hinawi niya pa ang buhok niya at parang inamoy ang hininga niya. "Christian. Pero p'wede mo naman ako bigyan ng palayaw kung gusto mo."

Christian is... ugh.

"Aaah. Sige, so, p'wede kitang tawaging Ti-ti?"

Nawala ang ngiti niya sandali at maya-maya ay natawa siya. Nginitian ko nalang siya ng mapakla. Bakit niya ako tinatawanan? Cute naman pakinggan ang Ti-ti ha..

WAIT?

"Ay!" Natawa rin ako sa sarili ko. "Pasensya na, bastos pala 'yon, hahaha!"

Damn it, nakakahiya ako. Fuck iiiiit! Bakit sa lahat ng maiimbento kong nickname, Ti-ti—

"Ayos lang. Sige, Ti-ti nalang ang itawag mo sa'kin. Pero 'wag masyadong matapang ang pagkaka-bigkas mo, haha."

Napa kagat ako sa labi ko. Fuck, why is he so handsome and funny at the same time? My heart is fluttering. Parang na-love at first sight ako pero parang hindi din. Ewan ko ba, basta ang guwapo niya.

Naalala kong pinapa balik agad ako ni Julio dahil tutulungan ko siyang mag tinda. I am sure marami nang nabili sa kaniya ngayon at kailangan ko nang bumalik.

"A-ahm, pasensya na, tutulungan ko pa kasi mag tinda ang kasama ako. Mauuna na sana ako." Nahihiya kong pasintabi sa kaniya.

"Ayos lang. Sige, ingat. Mag kita tayo sa susunod!"

Hindi na ako nakapag salita pa ulit at tinanaw ko ang matamis niyang ngiti habang nag lalakad. It's just so cute. He's also kind, full package na!

***

Julio's Point Of View.

Bumuntong-hininga ako. Kalahating oras na siyang nag lilibot sa palengke, kailangan ko ng katulong dahil masyadong marami ang naka pila para bumili sa akin. Nakakapag taka, may ibang tindahan naman ng gulay pero bakit sa'kin sila lahat bumibili?

Maya-maya pa ay hinablot niya ang plastik sa akin at isang basket ng mga gulay. Siya ang nag supot nito at nginitian ang mga customer habang iniaabot ito sa kanila.

Iba ang ngiti niya ngayon, para bang may masayang nangyari sa kaniya habang nag lilibot siya.

Makalipas ang ilang minuto ay nawala na ang mga bumibili. Halos maubos ang mga gulay dahil sa dami nila. Mas bumilis pa ang pag bebenta ko dahil katulong ko itong si Samantha. Mabilis din pala itong kumilos kahit papaano.

Hindi nakakapangsising sinama ko siya, makakatulong din pala.

Matapos siyang mag supot ng mga gulay ay tumingin ito sa akin. Iyong ngiti bang parang may gusto siyang ipagmayabang.

"Look what I got," Itinuro niya ang bulaklak sa ulo niya.

"Paano ka naman naka bili n'yan? Wala ka namang pera." Taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"Aba, binigay lang 'to, ano. Ang ganda, 'di ba? Sabi niya sa akin bagay na bagay daw hihi!" Tuwang tuwa niyang saad.

Kinunotan ko siya ng noo. "Sino naman ang nag bigay sa'yo n'yan?"

"Si Ti-ti."

Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. Saan naman niya nakuha 'yon, pambihira. Anak ng tupa.

"Chill, Christian ang pangalan niya, 'yung nag titinda ng mga bulaklak." Naka ngiti niyang paliwanag.

Oo, kilala ko 'yon. Bestfriend ko 'yun dati noong elementary pero ang nanay ko at nanay niya ay may issue. Dati kasing chick-boy ang papa ko at naki-apid naman itong nanay ni Christian. Pero hindi kami mag kapatid, iba ang tatay niya. Kaya ayun, hindi nag tagal, nagkaaway na din kami. Masyado na din siyang nakakapikon kapag magkausap kami. Kaya, bakit pa ako makikipaglokohan sa pesteng 'yon?

"Bakit ka naman lumapit doon?" Tanong ko sa kaniya.

"Well, tumitingin lang ako ng mga flower crown sa gilid tapos bigla siyang sumulpot at binigay 'to sa'kin." Sagot naman niya.

Napa-iling-iling ako. "Huwag ka na ulit lalapit sa kaniya."

Sinamaan niya ako ng tingin. "And why? Ano'ng problema mo?"

"Tsk. Mag kaaway ang pamilya namin. Kung ayaw mong sumama ang loob sa'yo ni inay, huwag kang lumapit sa kaniya," Pag papaliwanag ko.

"At saka," kinuha ko ang flower crown niya. "Huwag ka nang tatanggap ng mga bulaklak no'n, may halo 'yang kemikal. Baka mamaya masira pa ang maganda mong buhok."

Napa hawak siya sa buhok niya. "Really?"

Tumango-tango ako. "Oo. Kung gusto mo, igagawa nalang kita ng ganito. Gagawin ko pa sa harapan mo. Basta huwag ka nang tatanggap ng ganito sa kaniya."

"Talaga? Sige!" Ngumiti siya.

Kakaiba. Hindi niya ako inangalan at natuwa pa siya sa mga sinasabi ko. Pero totoo namang baka maka sama sa buhok niya 'yon, ang ganda ganda niya at hindi tamang masira lang 'yun.

Tinabihan niya ako at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Julio..."

Bumilis ang pintig ng puso ko. Para akong magpa-palpitate. Ang pag tawag niya sa pangalan ko.. hindi ko pa naririnig sa kahit sino. Iba ang tono niya at hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Baka sabihin niyang.. "babalik na ako sa siyudad" o kaya naman, "Julio, pinapalaya na kita.." ay! Ewan, napapraning na yata ako. Bakit naman niya sasabihin 'yon?

Baliw ka, Julio. Praning!

"Julio, gutom na ako."

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon