Chapter Five

4 0 0
                                    

Julio's Point Of View.

Nag lalakad ako pabalik ng kubo para sibakin itong mga kahoy na gagamitin ko pa sa pag luluto. Wala akong suot na ipangtaas dahil napaka init at mas komportable akong naka ganito lang.

Ok na 'to, napaka macho ko kaya.

Akala ko naman kung ano'ng sasabihin sa akin ni Samantha, akala ko ay mamamatay na siya. Paano ba naman kasi, napaka malumanay ng boses niya kung makapag salita sa akin. Akala mo naghihingalo.

Siguro gutom na gutom na talaga siya.

Ibinagsak ko sa tabi ng lutuan ang malaking kahoy at handa nang simulan na sibakin. Kinuha ko ang itak at sunod-sunod na sinibak ang punongkahoy.

Napa tigil akong sandali at napa tingin sa kanan. Kita ko si Samantha na naka-kagat sa mga daliri niya at naka tingin sa katawan ko. Dinuro ko siya at tiningnan nang mapangsisi.

"Hoy, huli ka nanaman. Ikaw ha!" Singhal ko sa kaniya.

Natauhan siya at ibinaba ang kamay niya. Tumingin ito ng masama sa akin, tinaasan ako ng kilay. "H-Hoy, wala akong ginagawa, b-bilib lang ako kasi... ang lakas mo." Pangangatuwiran niya.

Napansin ko ang basong hawak niya. Kung ano-ano nanaman ang iniinom niya, hindi manlang namimigay. "Ano 'yan?"

Inirapan niya ako nang tanungin ko siya. "Tubig, malamang. Drink it, bitch." Masungit niyang saad.

Parang kanina lang ay magkasundo kaming nag lalakad pauwi tapos ngayon, ang sungit sungit nanaman niya. Pambihira, napaka neto!

Ininom ko ang tubig ng dahan-dahan. Hindi ko inasahang masasamid ako sa tubig. Natapon ang kalahati nito sa dibdib ko at ngayon ay basang-basa na ako.

"Ay.."

"The heck, why so stupid, Julio?" Masungit niyang tanong sa'kin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bakit, wala ba akong karapatang masamid? Mabilaukan? Shunga."

Inirapan niya ako at kinuha ang t-shirt ko na naka sabit sa sampayan. "Wipe yourself up," Utos niya. "Baka sipunin ka n'yan."

May pagkasungit ang tono niya pero ramdam kong concern siya. Ito, pakipot, ayaw nagpapahuli. Masyadong defensive, ayaw masapawan, ayaw malamangan. Pero sa ibang tao para siyang anghel na napaka bait makipag usap.

Demonyita.

Dahan-dahan kong pinunasan ang sarili ko. Inoobserbahan ko siya kung tititig nanaman siya sa katawan ko. Pero hindi, naka tingin siya ng masama sa akin na para bang alam niyang inaantabayanan ko siya.

"Excuse me, I am not that pervert. Ano'ng akala mo, pinagnanasaan kita? Gross!" Nandidiri niyang saad.

"Apaka defensive mo, Samantha. Wala naman akong sinasabi—"

"Eyes can't lie, Julio. Eyes can tell everything, eyes can not hide anything."

Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo naman. Sabihin na nating kahit gan'yan lang si Samantha ay alam niya ang mga dapat paniwalaan : ang tama at mali, ang dapat niyang pagkatiwalaan.

"May itatanong ako sa'yo," seryosong sambit ko habang nag sisibak ng punongkahoy.

"What?"

"Hindi ka ba.. nalulungkot dahil hindi mo na nakikita ang mga magulang mo?" Marahan kong tanong sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya at sumagot. "You know what," Umupo siya sa isang malaking bato. "I don't hate them, it's just—hindi nila alam na kailangan ko ng kahit konting atensyon. Gaya ng mga magulang mo, yes, they are working twenty-four-seven pero nagagawa ka parin nilang kausapin, lambingin, bigyan ng atensyon."

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon