Chapter Six

3 1 0
                                    

Julio's Point Of View.

Tahimik akong naka upo habang patagay-tagay ng lambanog sa labas ng kubo. Maganda ang sikat ng buwan ngayon, kitang-kita ko siya. Ang sarap sa pakiramdam, lalo na at hindi maingay. Tulog na ang lahat, pati na si Samantha.

Medyo malamok din, pero ayos lang. Nag e-enjoy parin ako sa view ng buwan, bakit kaya sobrang nagagandahan ako dito?

Nagtataka din ako. Bakit.. bakit bigla bigla nalang lumilitaw sa isipan ko si Samantha?

"Ayos ka ah,"

Naitapon ko ang laman ng baso ko nang marinig ko ang boses niya. Tumabi siya sa akin at kinuha ang bote ng lambanog.

"Hoy, bakit gising ka pa?" Parang tumatalon ang puso ko, magugulatin din kasi ako. At sino bang matutuwa sa biglang pag litaw niya sa tabi ko?

Hay!

"What's this?" Inusisa niya ang laman ng bote. "Alak ba 'to?"

"Lambanog 'yan," inagaw ko sa kaniya ang bote at sinalinan ang baso ko. "Bawal sa'yo 'to."

"P'wede kong tikman?"

"Bawal nga sa'yo, kakasabi ko lang!" Napa taas ang boses ko. Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil masyado yatang napa lakas. "B-Bawal sa'yo.."

Sinamaan nanaman niya ako ng tingin. "Kaunti lang naman. Please? Matagal ko nang naririnig ang lambanog na 'yan, I wonder how it tastes." Pagmamakaawa niya habang pinagmamasdan ang baso ko.

Inirolyo ko ang mga mata ko. "Sige. Konti lang, ha? Mabilis makalasing 'yan." Iniabot ko ang baso ko.

Agad naman niya 'yong nilagok, nanlaki pa ang mata ko dahil hindi manlang siya nagdahan-dahan, baka mamaya ay mahilo-hilo siya!

"Hoy.. hoy, tama na!"

"Woah! Ang.. galing. Isa pa nga!"

Inagaw ko sa kaniya ang baso ko. "Mag tigil ka, Samantha. Bawal nga sabi, eh!"

Sumimangot ang gaga. "Isa nalang.. promise. Isa lang talaga!" Itinaas niya ang isa niyang kamay.

May magagawa pa ba ako? Hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko siya pinagbibigyan. Hay nako. Ito ang mahirap sa kaniya, eh.

"Sige, kaunti lang a-"

"Ako na.. ako na ang magsasalin." Inagaw niya ulit ang baso at bote ng lambanog.

(ᗒᗣᗕ)՞

Nakakatakot naman 'to isama sa inuman, ayaw magpa-awat.

"Konti la.. oops!"

NAKO NAMAN TALAGA!

Pinuno niya ang baso ko at matawa-tawang tiningnan ang nag uumapaw na lambanog. "Kaya ko 'to."

"Dahan-dahan lang, Samantha."

Pinagmasdan ko siya habang tuloy-tuloy na nilalagok ang isang baso ng lambanog. Ang taas no'n, baka mamaya ay malasing siya, malakas pa naman ang tama ng lambanog!

"Aaaah!" Dumighay pa siya nang maubos niya ang isang baso ng lambanog. "Ang sarap naman no'n."

Ano ang masarap sa pag lagok ng isang basong lambanog?! Hindi naman siya sanay na uminom, baka mamaya ay magsuka o hihilo-hilo siya nito mamaya. Nako naman talaga kasi!

"Tigilan mo 'yan, baka mamaya ay malasing ka ng sobr-"

"Sabi nila, pampalimot daw ng problema ang alak?" Seryoso niyang tanong sa'kin. "Kahit isang beses lang, payagan mo akong mag-lasing." Pakikiusap niya ulit.

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon