Chapter Nine

1 0 0
                                    

Christian's Point Of View.

Napa ngisi ako. "Ah, gano'n? Binabakuran mo na agad siya, gano'n pala?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Wala ka na doon," hinawakan niya ang braso ni Samantha. "Aalis nalang kami, kasing-pangit mo kasi ang ani ng patatas ngayon." Tumalikod siya habang hawak si Samantha at dala ang mga patatas na nakuha niya.

Tumawa ako. "Ha! Tingnan mo 'to, ngayon, lalayas kang basta? Ang sabihin mo, gusto mo lang siya at ayaw mong napapalapit ako sa kaniya dahil natatakot kang baka sa akin mahulog ang loob niya."

Nilingon niya ako ulit, si Samantha naman ay nanlalaki ang mga mata. "Ano'ng sinabi mo? Kung gano'n man ang sitwasyon, hinding-hindi ko iisipin na mahuhulog ang loob ni Samantha sa'yo,"

"Ops!" Pumagitna si Samantha sa amin at pinaglayo kami. "P'wede bang itigil niyo na ang sagutan niyo?"

"Hindi hamak naman na mas guwapo at maalaga ako kaysa'yo," pagpapatuloy ng asungot. "Guwapo ka, oo. Pero kilala mo ba si Samantha? Hindi. Baka nga isang araw mo palang siya makasama ay bitawan mo na agad siya." Taas-mukha niyang wika.

Nagsalubong ang kilay ni Samantha. "Excuse.. me?"

"Bakit? Totoo naman, ah? Huwag kang ano d'yan, sa araw-araw na kasama kita sa trabaho noon, wala akong ibang mailalarawan sa'yo kundi ang salitang 'masungit'," Pag aangas niya kay Samantha.

Bumaling siya ulit sa akin. "Tigilan mo siya, kapag nalaman ko lang na nilalapitan mo pari-"

"Ako pa talaga ang babantaan mo?" May pagkasarkastikong tono ko. "Umamin ka nga, gusto mo din siya ano?"

Kumunot ang noo niya at bahagyang nilingon si Samantha. "Bakit, sino ba ang hindi magkakagusto sa babaeng 'to? Nakikita mo ba 'yang parang anghel niyang mukha?" Tinuro niya ito. "Bagay na bagay sa kaniyang magmaldita dahil sa mukhang 'yan,"

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. "Gusto mo siya?"

"Oo," madiin niyang tugon. "Ano naman sa'yo ngayon? Pake mo?"

Nanatili ang nangaasar kong ekspresyon sa kaniya pero hindi ako masaya sa nangyayaring 'to. Hindi naman porke nauna siya ay kaniya na agad p'wede na niyang bakuran. Kung hindi ko siya makukuha, mas lalong hindi siya maaaring maging kay Julio lang.

Kahit ano pang sabihin niya.

Napansin kong nanlalaki ang mga mata ni Samantha habang naka tingin kay Julio. Hindi rin siguro siya makapaniwalang may nararamdaman nga 'tong asungot na 'to sa kaniya.

"Tama na 'yan.." lumapit sa akin si Samantha at ngumiti ng mapakla. "Pasensya ka na. Mauuna na kami." Pamamaalam niya bago manguna sa daanan at kalabitin ang braso ni Julio.

Nanigas ang mga kamao ko nang tumalikod si Julio at sundan sa paglalakad palabas ng bukid si Samantha. Ang dalawang 'yon, kapag nakikita ko silang malapit sa isa't-isa ay kakaibang sikip sa dibdib ang nararamdaman ko.

Bago ko lang naman nakilala ang babaeng 'yon, pero bakit ganito ako?

Ano ba kasi ang mayroon siya?

***

Julio's Point Of View.

"Hintayin mo 'ko," binilisan ko ang paglalakad para makatabi siya. "Hoy,"

Hindi niya ako pinansin at sinuot ang sandals niya kahit maputik ang paa niya. Walang gana ang bawat galaw niya, pero bakit? Mali ba ang sinabi ko kanina? Ano nanaman ang problema niya?

Nanguna siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin. "Samantha,"

Para akong tumatawag sa hangin, hindi manlang gumagalaw ang ulo niya at hindi din siya nagsasalita.

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon