Chapter 1

52 0 0
                                    

Kring~ kring~ kring~

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Umaga na pala. Ang bilis yata? Parang kanina lang kakatulog ko tapos ngayon nag-alarm na cellphone ko.

Sinimulan kong hanapin at kapain ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Kasi nagsisimula na akong mainis sa ingay tapos nagba-vibrate pa ang sakit na sa ulo.

Nang makuha ko na. Pinatay ko na ang alarm. Tinignan ko ang oras. It's exactly 7:30 AM.. Half close pa ang mata ko. Kasi inaantok pa talaga ako. Kulang ako sa tulog. Kasi madaling araw na ako nakatulog.

Busy kasi ako. Busy kapapanuod ng kung ano-ano sa cellphone ko. Scroll sa Fb, like sa Twitter, nuod sa Tiktok, nuod sa Youtube. Laro ng mobile games at kung ano-ano pa.

Hindi po ito sponsored ah? Char!

Nag-inat na ako kahit nakahiga pa. May pasok pa ako. Kaya bumangon na ako. Actually, ayoko talaga pumasok eh. Napipilitan lang ako para sa baon. Para may pera ako. Gagala narin ako para masaya. At saka makikita ko mga kaibigan ko. Konting kembot na lang naman gagraduate na kami sa college.

Third year college na nga pala ako. Business Management ang kinuha ko. Bakit? Ewan ko din. Eh ang plano ko talaga eh mag abroad.

Pagkalabas ko ng kwarto. Bumungad agad sakin ang mesa. As usual, walang almusal. Bahala na kung anong kakainin ko.

Dumiretso agad ako sa kusina. Magtitimpla na lang ako ng kape. Extra strong coffee, 1 teaspoon of sugar and 2 teaspoons of creamer. Yan palagi ang timpla ko. Perfect sa kaluluwa kong tulog pa. Pero ayoko ng masyadong mainit. Ayokong mapaso ang dila ko.

Di na ako umupo. Since wala naman talagang proper breakfast. Fast breakfast lang to. Para lang mainitan ang tiyan ko bago ako maligo. Pagkatapos ko uminom. Hinugasan ko narin agad ang tasa. Ayoko namang mapagalitan pa ako. Good girl yata to.

Kinuha ko ang towel ko at naligo na agad ako. Hindi naman ako artistahin pero inaabot ako ng 30 minutes sa paliligo. Mahilig kasi ako magbabad sa tubig. Madalas din ako makagalitan nila Mama sa sobrang tagal ko maligo. Akala nila nagsuswimming na ako sa timba.

After ko maligo. Diretso bihis na ako sa school uniform ko. Opo, tama po kayo ng basa. "School Uniform" kahit college na. Wednesday is wash day. Pwede umawra. But other than that, school uniform talaga kami.

Pagkatapos ko magbihis sinimulan ko na ang pag-aayos sa sarili. Naglagay ako ng foundation para iwas oily. Konting liptint at blush para fresh. Syempre, di mawawala ang kilay na pwedeng ipanaksak. Dapat palaban ang kilay. Because kilay is life you know? At lastly, ang pabango. Fresh na fresh lang.

Pagkasuklay ko ng buhok, pagkalagay ko ng mga hikaw at pagsuot ko ng sapatos. Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako. Naglakad lang ako ng konti kasi malapit kang ang sakayan ng jeep samin.

Opo, hindi po ako mayaman. Normal na citizen lang po ako. Nagko-commute po ako papasok at pauwi ng bahay namin.

Another 30 minutes ang travel time mula sa terminal hanggang sa campus namin. Depende pa yun kung gaano ka traffic. Lalo pa ngayon na Monday. Tapos rush hour pa.

9:00 AM ang una kong klase. Sana lang umabot ako. Habang nasa byahe ako I decided na magsound trip kasi nakakaboryong sa byahe.

Mamaya lang nagchat na saakin si Jobert. Kaibigan ko simula noong highschool. Pareho kaming Business management ang kinuhang course.

"Kups nasaan ka na? Gising ka na ba?"
-Jobert

"Kanina pa ako gising! Nasa byahe na ako. Nasan ka ba?" Reply ko sakanya.

Friends & BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon