Chapter 6

17 0 0
                                    

Pinatay ko na ang gas stove at naglagay ako ng sinigang sa isang mangkok na malaki.

Paglabas ko ng kusina ay nakaayos na ang mesa. Paglapag ko ng ulam ay tahimik akong umupo. Saka siya umupo.

"Sarap na kaya?" Tanong naman ni James habang nakatingin ng nakakaloko sakin.

"Sabi mo kanina masarap?" Pang-aasar ko sa kanya

"Haha. Walang ibig sabihin yun. Wala pa ngang sinigang mix yung tinikman ko eh.." pagrarason niya.

"Okay, tara kain na tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

Nagsandok na kami ng kanin at tahimik na kumain.

Habang kumakain ay tumutungin ako kay James. Gusto ko makita reaksyon niya sa niluto ko.

Tuloy-tuloy naman ang kain niya, wala ng oras para magsalita.

Mukhang nasarapan siya ah? Napangiti ako ng bahagya kasi feeling ko panalo na ako sa pustahan namin.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain hanggang sa matapos kami...

Habang umiinom ng tubig si James ay tinanong ko na siya....

"Anong hatol?"

Napahinto siya sa pag-inom ng tubig at napatingin ng gulat sakin habamg nilunok niya ang tubig na nasa bibig niya..

"Aaaaaahhh... Okay lang pero hindi ganun kasarap." Sabi niya sakin habang pinupunasan niya ang bibig niya.

"Hindi masarap? Pero halos maubos mo yung ulam? Hindi ka nga makapagsalita kanina habang kumakain? Walang time kasi masarap yung luto ko.." sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya ng malayo. Umiiwas ng tingin sakin..

Bigla naman akong ngumiti ng nakaloloko sa kanya.

"Talo ka. Aminin mo na" sabi ko sa kanya.

"Hindi kaya." Paghadlang niya.

"Haha. Talo ka. Talo si James" pagkanta ko habang iniinis ko siya.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Oo na.. meron kang isang utos sakin na dapat sundin ko kahit labag sa loob ko." Sabi niya sakin habang nakasibi. Mukha siyang paiyak. Pinagtawanan ko naman siya.

"Tara na maghugas na tayo ng plato. Pag-iisipan ko pa kung ano ipapagawa ko sayo."

Nagligpit na kami ng pinagkainan namin at saka kami pumunta ng kusina para hugasan lahat ng ginamit ko sa pagluluto pati na yung mga plato namin...

Ako maghuhugas tapos siya ang tigapunas at tiga ligpit ng mesa.

Sinimulan ko na maghugas habang pinupunasan ni James ang mesa.

Pagbalik niya sa kusina ay saka niys pinunasan ang mga pinggan para matuyo bago itago sa kitchen cabinet lahat.

Habang nagpupunas siya ng plato ay bigla kong ikinagulat ang sinabi niya sakin

"Ang hot mo sa suot mo. Nakakaturn on." Saka siya tumawa.

Oo, nagulat ako pero sinabayan ko na lang siya sa pagtawa at inassume ko na lang na biro lang yun.

"Para kang tanga dyan. Tigilan mo nga ako." Pabiro kong sabi.

"Totoo naman. Di ka parin nagbabago. Siguro nakalimutan mo na pero sinabi ko sayo dati na natu-turn on ako sa mga babaeng kayang i-pullnoff ang pagsuot ng maong shorts at extra large t-shirt. Para sakin yun ang pinakasexy."

Pag-explain niya.

Oo, tama sinabi niya sakin yun. Natatandaan ko nga. Pero hindi naman planado na ito ang isuot ko. Sadyang gusto ko lang maging komportable at ito na ang casual para sa akin.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 08, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Friends & BenefitsOnde histórias criam vida. Descubra agora