Chapter 4

22 0 0
                                    

Linggo na ng gabi ngayon. Bukas na magsisimula ang midterm break namin. At syempre yung pinapagawa ni Maam Salas samin.

Kakatapos ko lang sa beauty routine ko. Sensitive kasi mukha ko konting pagkakamali lang sa mga ginamit na beauty products nagbebreak out agad ang pimples at acne ko kaya super ingat ako sa mga ginagamit ko.

Nakahiga na ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko parin kasi yung mga nangyari noong highschool. Yun siguro ang dahilan kaya medyo awkward kami sa isa't isa ni James.

Napahawak naman ako sa ulo kasi nakaka-overwhelm lang ngayon na nandito na siya ulit bumalik yung memories...

Flashback to Highschool

Sana covered court ako ngayon, kasama ko ang mga members ng Lit dance crew namin. Oo, dancer ako ng school namin. Sa ngayon, may sinalihang dance competition ang school kaya ito kami nagpapraktis. Ikalawang linggo na ng practice namin. Kailangan namin ng 8 minute routine. Ang coach naman namin ay isa sa mga baguhang teacher sa school na siyang nagbuo samin.

"Pahinga muna. 1 hour break then bumalik na kayo dito. Magpalit kayo ng damit ah? Pawisan na naman kayo." Sabi ni Sir Franco ang coach namin.

Sobrang hingal naman namin kasi grabe yung dance routine. Ang lakas makabanat ng braso.

Inaya naman ako ng isang member at kaibigan ko si Jessie, "Tara sis, bili tayo ng snack sa canteen."

"Wait lang kuhanin ko lang wallet ko. Tas magpalit narin tayo ng tshirt. Basang-basa na tshirt ko." Sabi ko naman.

Dali-dali kaming pumunta ng canteen kasi may time limit lang ang break namin.

Habang dumadaan kami sa second building papunta sa canteen. Nagtitinginan ang mga estudyante samin.

Pwede nating sabihin na famous kami, kasi members kami ng dance crew. Pwede din namang nakakaintimidate ang aura naming dalawa ni Jessie.

Sanay na kami. Kasi lagi kaming laman ng stage. Kilala din kami sa school. Pero hindi namin ginagamit ang meron kami sa pagiging mayabang, dahil dinidisiplina din kami ng coach namin na lagi lang humble wag lalaki ang ulo.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Di na namin pinansin ang attensyon. Hanggang sa may tumawag sakin.

"Alison?!" Hiyaw niya. Paglingon ko naman si Lloyd lang pala. Isa sa mga kabatch ko. Medyo badboy ang dating ng barkadahan nila pero close kaming dalawa.

"Oh? Bakit Lloyd?" Tanong ko pabalik.

Nakatambay lang sila sa hallway.

"Papakilala ko lang sayo bagong tropa ko." Sabi ni Lloyd sakin. Habang nakangiti siya sakin.

"May bagong dagdag na naman sa mga tropa mo? Sino ba yan?" Pagloloko ko naman sa kanya.

"Ito si James(Dya-mes)" sabay tulak sa tropa niya papunta sa harap ko.

Nagulat naman ako kasi sobrang lapit niya sakin. Medyo napaurong ang mukha ko. Pero hindi ko masyadong pinahalata na plastered ako. Nagpoker face lang ako. Diretso ang tingin ko sa harap na ngayon ay close up view ng dibdib niya ang kita ko.

Dahan-dahan ko namang inangat ang tingin ko papunta sa mukha nitong lalaki sa harap ko. Nagbabaka sakaling maintimidate siya sakin. Pagkatingin ko sa kanya nakatingin din siya sakin.

Mas matangkad siya sakin.

Habang magkatitigan kami nagsalita ako, "James (Dyames) talaga pangalan mo?"

Friends & BenefitsWhere stories live. Discover now