Chapter 3

24 0 0
                                    

"Kilala kita. Hindi kita nakalimutan." Sabi niya sakin pagkashake hands niya.

Bumagsak bigla ang peke kong ngiti..

Kilala niya ako? Tanong ko sa sarili ko.

"How come?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Highschool. Remember me?" Nakangiti lang siya sakin...

"Highschool?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Zaine James, seryoso ka ba?"

"Oo, di mo talaga ako matandaan?" Pagmamatigas niya. Pilit ko namang inaalala kung sino siya sa highschool ko.

Dahan-dahan akong nagtanong sa kanya. Ako din kasi mapahiya ako sa tanong ko. "Hindi naman kita ex diba?" Pigil hininga kong tinanong, para sure narin. Sana lang hindi ko siya ex. Mas lalong nakakahiya yun.

Natawa naman siya.
Bakit siya natawa? Ano na?!

"Hindi mo ko ex." Buti na lang hindi. Nakahinga ako ng maluwag. I don't befriend exes. Okay?

"Eh.. ano? Sorry hindi ko talaga matandaan." Confess ko sa kanya. Sumasakit ulo ko sa mga ganitong hulaan ng past. Di ako masyadong magaling dun.

"Nga pala. Wag mo kong tawaging Zaine James. Masyadong mahaba. At saka hindi ako sanay na tinatawag na Zaine James." Sabi niya sakin. Atleast naglu-loosen up na kami. Nakakapag-usap na. Good sign yun.

"Edi, James na lang?" Suggest ko sa kanya.

Napaisip naman siya.

"Hmmm. James (Dya-mes) na lang. Mas sanay ako dun. Wala ka bang natatandaan sa pangalang James(Dya-mes)? Kasi yun ang tawag niyo sakin nung highschool" sabi niya sakin.

(Hindi na po James ang pronounciation ng pangalan kundi Dya-mes, literal na pagbasa sa tagalog)

"James?" Iniisip ko naman. Inulit-ulit ko ang bigkas ng pangalan baka sakaling may matandaan ako.

Then, it hit me! "Ikaw si James? Yung ...." Gulat na sabi ko.

"Yung first dance mo sa prom." Pagpapatuloy niya. "Ayan! Natatandaan mo na ako?"

"Shit! Oo, natatandaan na kita" nakatitig lang ako sa kanya. Hindi parin ako makapaniwala na siya si James.

"Saan ka nagpunta? Bigla ka na lang nawala eh." Tanong ko naman. Curious talaga ako kasi bigla na lang siya nawala nung highschool tapos wala kaming balita sa kanya.

"Ah, iyun ba? Lumipat kami ng Manila tapos dun na ako ng senior highschool at college. Tapos napagdesisyunan nila Mommy na bumalik na ulit kami dito. Kaya ito na ulit ako." Maikling kwento nya.

"Ah ganun ba? Kasi naman wala na kaming naging balita sayo. May mga usapan din na huminto ka sa pag-aaral. Tapos ayun, humupa din ang lahat." Sabi ko naman sa kanya.

Natahimik kami saglit. Siguro, ayaw din niya pag-usapan ang past o ang personal na buhay niya.

"Yung activity nga pala. So, saan tayo?" Tanong niya sakin.

"Honesty, hindi ko alam." Napangiti lang ako sa kanya kasi wala talaga akong ideya.

"Sainyo tayo?" Suggest niya.

"Samin? Eh ano namang gagawin natin sa bahay namin? Ang liit ng space samin at saka boring." Sabi ko naman.

"Edi, sa bahay ko na lang?" Suggest niya.

"Sige, sainyo na lang tayo." Pagpayag ko. Ayoko talaga samin. Gusto ko lang umalis. Nakakahiya din kasi hindi naman ganun kalaki ang bahay namin tapos puro babae pa samin.

Friends & BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon