Chapter 2

41 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa next subject namin. Hinihintay na lang namin ang pagdating ng prof.

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. May 15 minutes pa bago magtime kaya lumabas muna ako at nagpunta ng CR.

Sa building ng Business Management may CR kada floor. At hanggang 4th floor lang ang building na ito. Tapos may rooftop din. Pero wala masyadong umaakyat doon kasi mainit masyado.

Magkatabi din halos ang CR ng women and men. Nasa dulo nga lang ang sa mga lalaki tapos nasa bungad ang para sa mga babae. Bago ako makapasok ng CR may lalaki akong nakasalubong. Nakatitig lang siya sakin. As in, eye to eye.

Papatalo ba ako? Syempre! Hindi. Nakipagtitigan talaga ako sa kanya hanggang sa makalagpas kami sa isa't isa. Dumiretso na ako sa cubicle. And I did my business. So, mind your own business.

Pagkatapos ko naghugas ako ng kamay at nag-ayos ng sarili sa wall mirror. Napaisip ako bigla. Yung lalaking nakipagtitigan sakin. Parang kilala ko siya pero hindi ko ma-pinpoint kung sino siya.

Mukha din siyang bago dito. Di ko pa siya nakikita dati. Baka bisita lang o kaya transferee? I don't know.

Ang weird lang kasi feeling ko talaga kilala ko siya. Yung mga mata niya kasi. Hay! Ewan ko ba? O sadyang nakipagtitigan lang talaga siya?

Para kasi sakin normal na yung ganun na may nakikipagtitigan sakin. Kasi yung mga mata ko agaw pansin. Marami ding nagsasabi na nakakaakit daw ang mga mata ko. Yung iba naman sinasabi na dahil daw sa mata ko nakaka-intimidate ako tignan. May authority daw ang mata ko.

Since then, asset ko na ang mata ko. Hahaha. Di ko na masyado inisip yung lalaki baka trip niya lang yun. Pero in all fairness pogi siya ah?

Bumalik na ulit ako sa room namin. Tapos yung lalaking nakatitigan ko nakatambay sa labas mismo ng room namin.

Shit! Ano ginagawa niya dito? Bakit nandito yan?!

Nakatayo lang siya sa harap ng room namin habang nakatingin sa campus ground. Hinayaan ko lang siya. At pumasok na ako sa room.

"Sino kaya yung lalaki sa labas?" Tanong ni Anna sakin.

"Di ko alam. Baka tumatambay lang?" Sagot ko. "Kanina nung papunta ako ng CR nakasalubong ko siya. Nakipagtitigan sakin." Dagdag ko.

"Yoooooks! Di nga?" Di makapaniwala si Karen sa sinabi ko. Oo nakipagtitigan nga siya. Eh ano naman?

"Hala! Lumaban ka naman ba sa titigan na yan?" Tanong ni Karen sakin.

Napatingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Bago sumagot, "Syempre! Ako pa?" Pagyayabang ko.

Nagtawanan naman sila. At nag-apir kami ni Anna.

"Nice one!" Sabi ni Jobert. "Dapat ganyan palaban parang yang kilay mo." Pag-aasar niya.

"Inaano ka ba ng kilay ko?" Pagpatol ko sa pang-aasar niya. Hindi na sumagot si Jobert at tinawanan lang ako.

Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin. Tapos pumasok din yung lalaki sa room namin.

Nagulat ako syempre. Bakit siya papasok ng room namin? Eh hindi naman namin siya kaklase. Sino ba siya?

Dire-diretso lang siya sa pagpasok sa room namin. Pati iba kong mga kaklase nagtataka kung sino yung lalaki. Tapos umupo siya sa vacant sit sa dulo ng first row. Siya lang mag-isa dun.

"Ikaw siguro yung transferee?" Tanong ng prof namin sa lalaki.

"Opo Maam." Pagsang-ayon niya.

May transferee? Transferee siya? Bakit?

Friends & BenefitsKde žijí příběhy. Začni objevovat