Chapter 5

16 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kahit pa medyo napuyat ako kakaisip kagabi.

9:00 AM ang usapan namin ni James kaya naman aagahan ko narin ang paglilinis dito sa bahay. Responsable pa rin ako. Buong araw ako mawawala kaya dapat maglinis man lang ako para wala akong marinig na salita kay Mama. Malinis na tao din kasi si Mama. Ayaw niya ng basta-basta na lang umaalis. Tapos babae pa ako kaya dapat talaga maging maayos din ako.

Pagkatapos ko mag-minor cleaning. Oo, minor lang. Walis-walis lang tapos hugas ng mga pinagkainan at mag-ayos ng kama.

Pagtingin ko sa orasan 7:30 na. Kaya naman naligo na ako. Matagal ako maligo kaya kailangan ko na magsimula. Inaabot ako ng 30 minutes.

Tapos ang everyday routine. Bihis, mag-ayus ng sarili, bag. Pero ngayon hindi ako magsusuot ng uniform. Casual outfit lang. Nagmaong short lang ako at extra large white t-shirt tapos tinuck in ko lang ang harapan. Tapos ang bag na ginamit ko ay sling bag na ang laman ay cellphone, wallet, liptint at pang ipit sa buhok. Tapos nag sandals lang ako. Diba super casual lang? At saka komportable pa ako.

Pagkatapos ko mag-ayus ay umalis na ako. Maglalakad pa ako palabas ng village. Paglabas ko ng bahay ay nandun pala si Mama..

"Aalis ka na?" Tanong ni Mama sakin habang nakaupo sa tapat ng bahay namin.

"Opo, Ma baka nandun na kaklase ko. Susunduin niya daw po ako eh." Sagot ko naman.

"May pera ka ba?" Sunod na tanong sakin ni Mama.

"200 pesos na lang po pera ko sa wallet" sagot ko.

"Teka lang." Sabay labas ng wallet ni Mama. Pagbukad niya ay naglabas siya ng 500 pesos at inabot sakin. "Yaan dagdag mo na sa baon mo. Pagkailangan mo pa sabihin mo lang." Kinuha ko naman yung pera at inilagay sa loob ng bag ko.

"Sige po, Ma. Salamat po. Alis na po ako" sabi ko naman.

"Sige, ingat ka.."

Tuluyan na akong umalis at naglakad palabas ng village. Saka ko naalalang itext si James na palabas na ako.

8:50 AM na

"James, naglalakad na ako palabas ng village namin"

Sent.

Naghintay ako ng reply pero ilang minuto na hindi pa siya nagrereply sakin.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng village.

Nagulat naman ako kasi nandun na ang sasakyan ni James.

Lumapit ako sa kotse niya. Saka niya binaba ang bintana ng kotse.

"Good morning" bati ni James sakin

Nguminti naman ako sa kanya. "Good morning."

Saka ako sumakay sa front passenger's seat.

"Saan tayo ngayon?" Tanong niya.

"Market. Bili tayo ng lunch natin." Sabi ko naman sa kanya.

"Okay" maikli nyang sagot. Saka kami umalis. Habang nagdadrive siya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.

Isang kamay lang ang gamit niya sa steering wheel at yung isa niyang kamay ay nasa kambiyo. Ang hot lang pagmasdan pero hindi ko na masyado tinagalan baka mahuli pa ako.

"Saan tayo bibili ng mga kailangan?" Tanong ko. Nakafocus sa daan si James pero sumagot pa rin siya

"Sa mall na tayo mamili ng mga kailangan natin." Sagot niya

"Nga pala. Anong gusto mong lutuin ko?" Tanong ko pa. Confident ako magluto. Namana ko yun kay Mama. Masarap magluto si Mama eh. Tapos nung bata pa ako tumutulong na ako sa kanya kaya ayun natutunan ko din.

Friends & BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon