MSAI

767 18 7
                                    

𝐃𝐢𝐬𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐞𝐫:

𝑵𝒂𝒎𝒆𝒔, 𝒄𝒉𝒂𝒓𝒂𝒄𝒕𝒆𝒓𝒔, 𝒃𝒖𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒔, 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒏𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒆𝒊𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒅𝒖𝒄𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒂𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓'𝒔 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒓 𝒖𝒔𝒆𝒅 𝒊𝒔 𝒂 𝒇𝒊𝒄𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒖𝒔 𝒎𝒂𝒏𝒏𝒆𝒓. 𝑨𝒏𝒚 𝒓𝒆𝒔𝒆𝒎𝒃𝒍𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏, 𝒍𝒊𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒅𝒆𝒂𝒅, 𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒐𝒓 𝒃𝒖𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒆𝒏𝒕𝒊𝒓𝒆𝒍𝒚 𝒄𝒐𝒊𝒏𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍.

❣︎ 𝗣𝗹𝗮𝗴𝗶𝗮𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗶𝘀 𝗮 𝗰𝗿𝗶𝗺𝗲 ❣︎

♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎

Prolouge

Raven

Holla! Raven maganda here—char. Ito na talaga, Raven Claire  Fernandez 18 years old and I have a twin brother named Reeven Charles Fernandez. Oha! Astig ng pangalan namin.

Napahinto ako sa iniisip ko nang marinig ko ang boses ni maam.

"Ms. Fernandez, are you listening?"

Yay! Nahuli pa akong nag-de-daydream.

"Y-Yes ma'am," alanganing sagot ko.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.

"Okay so let's continue this tomorrow, goodbye class." paalam ni ma'am saka umalis.

So 'yon, pagkalabas ni ma'am inayos ko na agad 'yong gamit ko tsaka lumabas na papuntang canteen.

Pagpasok ko sa canteen, natanaw ko na agad ang mga kaibigan ko kaya naman nagmadali na akong naglakad palapit sakanila.

"Hello guys! Aga niyong dinismiss ah! Sana all." bungad ko sakanila.

"Ang ingay mo, Raven." reklamo ni Krystal.

Inirapan ko siya saka umupo na sa harapan nila. "Ano naman ngayon."

"Hay naku! Mag-order na nga tayo, hindi ba kayo nagugutom?" tanong ni Lyle.

Tumayo si Krystal. "Ako na nga mag oorder," prisinta niya. "Ano order nyo?" tanong niya.

Nilabas ko 'yong wallet ko at naglabas ng pera. "Carbonara, cheese burger and juice. Ito bayad ko." sabi ko saka binigay sa kaniya 'yong pera.

Bumaling naman siya kay Lyle. "Ikaw Lyle?"

"Spaghetti and juice." sagot naman ni Lyle saka inabot na rin kay Krystal 'yong bayad niya.

Pagka-alis ni Krystal, maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na hiyawan.

What the heck?! Mapaos sana kayo mga haliparot!

"Hindi ba sumasakit lalamunan nila kakasigaw?" inis na sabi ko.

Napahawak ako sa braso ko dahil hinampas ako ni Lyle.

"Gosh! Raven ang gwapo ni Dave." kinikilig na sabi niya.

"Kailangan manghampas, 'te?" tanong ko.

Nagpeace sign naman siya. "Hehe sorry na."

Napailing nalang ako. "Hay ano nang nangyayari sa mga babae, nakakita lang ng gwapo grabe na kung makatili."

"Eh? Ang gwapo kaya nila. Lalo na si Dave." depensa niya.

Umirap naman ako saka napatingin sa gawi nila Dave. Hmm, gwapo nga siya pero I don't like his awra. Ang sungit tignan.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo?" tanong niya.

"Wala," simpleng sagot ko.

"Ano nga? May mens ka?" tanong niya.

"Wala, katatapos ko lang kaya." sagot ko.

"Eh ano nga?" pangungulit niya.

Inis akong kumamot sa ulo ko. "Eh nakaka-asar kasi eh,"

"Nag-away na naman kayo ng kakambal mo?" tanong niya.

"Hindi."

"Eh ano nga kasi? Ang daming alam eh," nagreklamo pa nga.

Sumimangot ako. "Buhusan ba naman ako ng napaka lamig na tubig." sagot ko na bigla niyang ikinatawa.

"Seriously?" tanong niya saka tumawa ulit.

Sige lang, pag tawanan mo pa 'ko.

Dumating na si Krystal dala ang pagkain namin. Kumunot ang noo niya nang makitang naka simangot ako.

"Oh? Anyare sa 'yo, Raven? Kanina lang ang ingay mo tapos ngayon naka busangot ka d'yan." bungad niya.

"Nakita kasi niya 'yong kakambal niya." si Lyle ang sumagot.

"Oh? Bakit 'yon?" tanong ni Krystal.

"Binuhusan daw siya ng malamig na tubig." tumatawang sagot ni Lyle.

'Di pa siya tapos tumawa?

"Seryoso?" nakitawa na rin si Krystal dahil sa sinabi ni Lyle.

Tangina! Kaibigan ko ba itong mga 'to?!

Hindi ko nalang sila pinansin, bagkus ay kumain nalang ako nang kumain hanggang sa matapos ako.

"Ang bilis mo naman kumain, Raven." si Krystal.

"Eh busy kayo sa kakatawa eh," walang gana kong sagot.

Pabiro namang sumimangot si Krystal. "Aww! Nagtatampo ang Raven namin."

"Ang sama niyo sa 'kin. Hmmpk!" sabi ko saka sumimangot.

"Joke lang ito naman." sabi ni Lyle.

"Ven," tawag sa 'kin ni Krystal

"Ano?" tanong ko ngumuso naman siya sa likod ko kaya naman agad akong lumingon.

"Oh, ginagawa niyo rito?" tanong ko kay Reeven.

"Did you eat already?" tanong niya.

"Katatapos lang." walang gana kong sagot.

"Okay good." sabi nya saka umalis na.

Kita niyo 'yon? Iyon si Reeven, ang sweet niya 'no? Sarap tuloy ipakagat sa langgam.

Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan muna kami bago bumalik sa kanya-kanya naming room. Saming tatlo, ako lang ang nahihiwalay, ang galing 'di ba?

Sila Krystal at Lyle magkaklase samantalang ako? Lonely. Iyak charr.

---

nicsy:)

Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now