Prologue

872 209 15
                                    

THIS IS ORIGINAL WORK OF MINE.


ALL RIGHTS RESERVED. This work came from my own imagination. Names, characters, places, events and incidents are all products on my mind. Any resemblance to actual persons living or dead and actual events is purely coincidental.


PLAGIARISM IS A CRIME. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or make works derived from my works. Do not exploit the contents of my works contained here in any way. Please obtain permission.


This will be written in Tagalog-English language.


AUTHOR'S NOTE. This is the first book of the Sovereign Ladies Series or also known as SLS in short. The series consists of six books.


Sovereign Ladies Series #1: My Secret Credibility

xxx


"Zara, alam mong alam namin 'yan, pero hindi mo man lang ba naisip na may pinagsamahan tayo?" Ginulo ni Risha ang kaniyang buhok nang siya ay bumulas.


"Oo nga naman, Zara. Hindi naman porke't gusto mo 'yan gawin ay gagawin mo na," singit ni Drina, na siyang nagpatahan kay Risha habang tinatapik ang likod nito.


Si Risha ay isang spoiled brat katulad ko. Maaaring sabihin na lang natin na halos kaming lahat na magkakaibigan ay spoiled brats. Iyon kasi ang tingin ng mga taong nakapaligid sa amin... iyong pare-pareho kami ng mga ugali.


Pero may isang bagay na hindi nila alam... na ako lang ang katangi-tanging naiiba sa aming magkakaibigan. Napakalaking pagkakaiba na halos wala silang alam tungkol dito.


"You ladies have started again. Why don't you just sleep instead of arguing? Don't worry, ladies. Zara would never do that, okay?" Gairel answered as if she's nothing to worry about.


She is actually reading a book as if she is more preoccupied with it.


Si Gairel ay isa sa mga kaibigan ko rin. Mahilig siyang magbasa ng mga libro kaya naman marami siyang alam tungkol sa buhay. Sa pagkakaalam ko ay malabo na ang kaniyang mga mata.


Siguro ay epekto ito sa kababasa niya ng mga libro kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit siya naka-salamin ng pagkalaki-laki.


"Gairel, huwag mo akong subukang inisin. Huwag ka rin pasisiguro sa mga sinasabi mo. Hindi na lang natin alam na baka may binabalak na si Zara nang hindi natin alam," tugon ni Risha kay Gairel, ngunit hindi na siya pinansin ni Gairel kundi ay nagbasa na lamang ulit siya ng tahimik.


Ilang segundo ay hindi makatiis si Gairel mula sa kaniyang kinauupuan kaya naman pinutol niya ang katahimikang bumalot sa aming lahat.


"I'll be back, okay? I'll just look for the two ladies outside. Go to sleep if you all tired now," Gairel said, getting ready to stand up and finally she went out to look for the two ladies.


She was still carrying the book she was reading and it looked like she has a plan to take it outside. So far there are only three of us left in the house. Risha, Drina and me.


"Sana nga tama si Gairel sa kaniyang sinabi... na hinding-hindi mo nga iyon gagawin. Zara, 'yan na ba ang gusto mo? Buo na ba talaga ang desisyon mo? Please be honest and let us know about it, hmm? We don't want you to do this," pagmamakaawa ni Drina sa kaliwang braso ko habang niyuyugyog ito.


Ako ay napabuntong-hininga dahil sa kaniyang ginagawa sa akin. Hindi ko masabi kung si Drina ba ay nalulungkot o 'di kaya ay nagagalit. Iyong pagkapit niya kasi sa aking braso habang niyuyogyog ito... parang galit siya sa akin.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon