Climax 4

2.1K 114 16
                                    

Climax 4

FLASHBACK

"Dito ka matutulog," utos ni Ric sa kanya.

       "Bakit dito? Ayaw mo ba akong katabi?" pagmamaktol ni Regine sa nobyo. 

"Hindi naman sa ganoon. Nirerespeto kasi kita." 

        "Ricardo David II, pwede naman tayong matulog nang tabi. Edi kung gusto mo, magharang ka pa ng unan," pangungulit nito at susugod papasok sa kuwarto ng nobyo.  Sa pagpigil ni Ric, naumpog siya sa dibdib nito. 

"Ay, isa pa," bulong niya sa sarili at nagpumilit. 

"Regy, huwag makulit. Gusto mo na bang mabuntis?" nabigla si Ric sa sinabi niya at ngumiti lang Regine sa kanya. 

        "Oo! Doon naman tayo pupunta diba?" sambit nito at abot langit ang ngiti.

"No, ayoko pa. Hindi mo pa nga nagagawa ang gusto mo. Huwag kang magmadali. Hindi naman ako nagme-menopause." 

"Ric naman! Thirty-five ka na!" 

"Eh ano? Tatapatin kita Regine, ayoko na muna. Gusto ko munang mag-enjoy sa pagiging Attorney, ganoon ka rin. Gusto kong ma-enjoy mo ang buhay dalaga.  Ayokong madaliin ang lahat, sana naman naiintindihan mo.”

Natahimik si Regine  at napa buntong hininga. Akmang hahalikan siya ng nobyo sa kanyang noo, ngunit umiwas si Regine at mabilis na pumasok sa kabilang kwarto. Pagsandal niya sa pintuan, umupo siya sa sahig at hinagkan ang sarili.

          "Eh ikaw ang gusto ko. Pwede naman isabay ang pangarap ko kasama ang magiging pamilya natin," hindi niya masabi kay Ric kung kaya't kinakausap na lamang niya ang kanyang sarili. 

Nakarinig siya ng ilang katok mula kay Ric, hinayaan lang niya itong kumatok at wala pa rin balak na  pagbukksan ng pinto ang nobyo.   

      "Wala akong sariling bahay, wala akong sariling pera. Wala akong matakbuhan, kahit kay Gracia. Ayoko naman makastorbo," pumatak ang kanyang luha dahil pakiramdam niya'y walang may gusto sa kanya.

Minabuti niyang tumayo at kinuha sa bag ang laptop. Sinubukan niyang ipamigay sa kahit saan kumpanya ang kanyang resume. 

          "Hindi na ako bata, kailangan ko nang kumita. Mag na-nineteen years old na ako this year, kahit magkaroon lang ako ng sarili kong ipon mula sa dugo't pawis ko, okay na ako." 

"Regine."

Nagulat si Regine at halos mabasag na niya ang laptop sa biglang pagkakasara. 

"Bakit ka pumasok? Nilock ko 'yan ha?" pagtatanong niya rito at hindi tinitingnan si Rico.

"My house, of course. I have keys," sagot nito. 

“Attorney nga, laging may sagot." 

"Come on, huwag ka namang magalit sa'kin," paglalambing ni Ric sa kanya pagkatapos ay lumebel mula sa kanyang pagkaka-upo. 

            "Naiintindihan ko naman, gusto ko na lang matulog." 

"Maaga pa, we can watch movies. Popcorn time, " maligaya nitong pag-aaya kay Regine. 

"Ayoko, gusto ko lang dito. Isa pa magre-review ako para sa remedial examination."

            "What? You mean, you failed?" 

"Yeah, sige na magpahinga ka na rin. Pagod ka maghapon dahil sa ilang hearing sa korte," wika ni Regine at hindi pa rin ito tumitingin sa binata. 

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon