Climax 37

1.3K 94 16
                                    

Climax 37

"She's pregnant."

Hindi alam ni Arthur kung matutuwa ba siya o lalabas ang kanyang puso sa sobrang kaba. "Re-really?" Pautal na sagot nito.

"Lalong may lagnat ang asawa mo. Hindi pwedeng uminom ng gamot ang buntis ng basta-basta. I would like to recommend this Doctor to you, OB-GYNE para rin sa asawa mo Mr. Perez," sagot nito.

Nilapitan ni Arthur si Regine at nakita niyang gising na ito. Alam niya sa sarili na naghihintay na siya ng baby. Inaasahan narin ito ni Arthur dahil ilang beses niyang naparamdam kay Regine ang init ng pagmamahal.

"Ayoko rito," aniya ni Regine.

"Ilalabas na kita at sa bahay ka na magpapahinga," wika ni Arthur at hinawakan ang mukha niya. Tumango si Regine at pinilit na ngumiti.

Tahimik at walang umiimik sa kanilang dalawa habang sila'y nasa sasakyan. Nakahawak lang si Regine sa kanyang sinapupunan at milyon-milyong salita ang gusto niyang sabihin. Ngunit ni isa rito ay walang gustong lumabas.

"Paano ang anak namin? Ayokong makulong ng buntis. Paano ang baby namin ni Arthur? Matagal ko na itong pinapangarap, pero bakit mabigat ang dibdib ko?" bulong niya sa sarili at pilit pinipigilan ang pagluha. "We did this. I chose this path, kailangan kong harapain ang consequence. Hindi ko pwedeng basta pabayaan ang anak ko."

"Ibaba mo na lang ako sa convenience store," aniya ni Regine.

"Hindi ka pwedeng maarawan, mahihilo ka. Bawal sa inyo ng baby, lalong may lagnat ka pa," sambit ni Arthur.

"Kaya ko ang sarili ko. Asikasuhin mo na ang dapat mong gawin," matamlay niyang sagot sa binata.

"I will fight for you," wika ni Arthur habang nakatingin sa kalsada.

"How? I'm still married. Ric doesn't want an annulment," sagot ni Regine.

"Regine, to be honest. Tinatanga ka ng asawa mo. He's hiding something! You can file an annulment at may grounds doon. Matuto kang intindihin ang bawat detalye ng ginagawa niya. He's just using you for something!" Galit na sagot nito.

"Ibaba mo na lang ako roon," malayong sagot ni Regine at napakapit sa kanyang teynga. Nakarinig siya ng kaunting pagtunog at pakiramdam niya'y nabibingi siya.

"I will help you to find an Attorney for your Annulment!"

Hindi umimik si Regine at nilalamon na ng takot dahil sa pagkakabuntis niya kay Arthur.

"Do you really love me Regine? Handa akong ipaglaban ka sa kahit kanino! Even the Law in this country! Hindi ko hahayaan na masaktan kang muli pati ang anak natin!" Asik ni Athur at hindi mapigilan na tumaas ang tono ng boses. "Sagutin ko ako!" Muling pagdagdag ni Arthur.

"Mahal kita! Kaso natatakot ako! Kapag nalaman ni Ric na buntis ako, dalawa tayong makakasuhan! Kapag nalaman ng Tatay mo ang tungkol dito, mawawalan ka ng pamana!"

"I don't care. As long as you love me, I will fight and hold on. Bakit kailangan mong matakot? We did this! Anak natin 'yan, hindi pwedeng basta na lang 'yan pabayaan," galit na sagot nito.

"Ang tanga-tanga ko kasi! Puro puso ang pinapairal ko!" Sigaw ni Regine.

Nag-iba ang aura ni Arthur sa naging tugon ni Regine. Tila nagseryoso ito at nagsimulang namula ang teynga sa sobrang galit.

"Parang sinabi mo na rin na pagkakamali lang na mahalin ako, mali na nabuntis ka," mahinang sambit ni Arthur. Natahimik si Regine at napahawak sa kanyang dibdib.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon