Climax 57

1.4K 99 29
                                    

 Climax 57

Taon na ang nakalipas magmula nanganak si Regine. Nagkani-kanyang buhay na ang magkakapatid. Si Austine na may pinagtutuunan ng pansin upang mabuo ang kanyang sarili, habang si Aiden na mas naging tutok sa pagiging tagapaghatid ng salita ng Panginoon.

Patuloy ang pag-iyak ni Adrian dahil na iwan ito kay Arthur. "Anak parang awa mo na, huwag mo na akong iyakan," pakikiusap niya at sipa pa rin ng sipa ang bata. "Anak naman, hindi naman ako nakakatakot ha?" giiit niya.

"Dada!" pagngawa ng bata. Mas lalo pang umiyak ang bata nang binuhat niya ito. Ilang sandali at narinig niya ang isang malakas na utot. Namilog ang mata ni Adrian habang nakatingin sa kanyang ama.

"Oh come on my little prince. You farted on me! Oh! Stinky poop baby!" tinawanan niya ang anak at ganoon din ito. Ihiniga niya ang bata upang palitan ng diaper. "Asan na ba kasi ang Mama mo? Napaka tagal mamili," reklamo niya habang pinupunasan ang puwitan nito.

"Tres! My handsome Arthur! Hindi ganyan anak!" Bulalas ni Efinia.

Nagulat si Arthur nang biglang sumulpot ang kanyang Ina. Para bang hindi matanda ang kanyang mama at blonde pa ang buhok nito.

"Mom? Bakit ganyan ang buhok mo? Kailan ka naging mais?"

"Dickhead! Ikaw, hahampasin kita ng mais! Huwag mong pabalik-balik ipampunas ang bulak! Marumi na iyan! Naku, ang baby boy namin, 'di alam ni Dada ang ginagawa no?" aniya ni Efinia at tinapik ang anak upang siya ang maglinis ng dumi nito. Umirap si Arthur ay umupo sa tabi. "Manuod ka!" sigaw nito sa kanya.

"Come on Mom, kaya ko naman. Masyado lang mareklamo ang mga Lola, parang hindi ako mabuting Ama sa ginawa mo eh?" pagmamaktol niya.

"Anak, tinuturuan kita! Si Archer, gusto ko na rin makita."

"Eh bakit kasi ayaw mo pang sabihin kay Kuya na buhay ka? Tingnan mo ang ginagawang parusa ni Dad sa kanya? Mas lalo pang darami ang bibilangin babae no'n, parang sinturon ni hudas kung magpaputok si Kuya!"

"Bakit alam mo pa sa'kin? Ikaw ang bibigyan ko ng diaper sa bibig. Kahit kailan 'yan bibig mo dire-diretso. Buti pa ang tren may preno!"

Ilang sandali at nakuhang mapalitan ni Efinia ang diaper ng bata. Panay tingin si Arthur sa kanyang relo dahil wala pa si Regine. Palagingiritable si Arthur sa tuwing wala sa tabi niya ang asawa.

Magkasama sa parlor si Gracia at Regine, muling ibinalik ni Regine ang classy look niya. Nabulungan siya ni Gracia dahil kinakailangan na palaban at may asim pa siya, lalo na't bata ang kanyang na pang-asawa.

"Feeling ko ta-tatlo pa kayo ni Arthur," aniya ni Gracia.

"Isang taon na naipon 'yon"

"Weh? Ang tibay? Dibale twelve years kang kasal noon, wala kang dilig. Batak ka na," pagtawa ni Gracia sa kanya.

"Gaga! Ayoko nga kasi muna, sabi ko sa kanya mag condom. Ayaw niya. Ayaw ko rin mag pills kasi nakakataba. Jumbo hotdog 'yang anak namin."

"Diyos ginoo! Isang taon na 'yan!"

"Kahit na! Hahanda ko ito sa honeymoon namin," pagkindat ni Regine.

"Ay oo nga, hindi pala natuloy ang honeymoon niyo! Grabe, sa hospital ang reception!"

Muli rin kinasal si Gracia kay Yap at nagkaroon ng isang anak. Sa pagkatapos nilang magpaayos ng buhok, nakuhang mamili ni Regine ng damit para sa mag-ama.

"Wow extra large?" pag-usyoso ni Gracia habang nakatingin sa hawak ni Regine.

"Oo, basta brief lagi ang gift ko kay Arthur at sando. Kakatuwa 'yung kili-kili niya."

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon