Climax 12

1.5K 96 12
                                    

Climax 12

Nakuhang iparada ni Regine ang kotse sa harapan ng simbahan. Ito ang lugar kung saan sila nag-isang dibdib ni Ric. Bumaba siya ng kanyang sasakyan at naglakad-lakad sa paligid ng nasabing lugar. Itinaas niya ang kamay at pinagmasdan ang kanyang kamay.

"Dalawang wedding ring, Engagement at mismong wedding ring sa simbahan. Kahit gaano kamahal ang binili mong sing-sing, kahit gaano kagargo ang kasal natin. Lahat 'yon nawala. Pilit kitang iniintindi, ayokong iwan ka dahil ito ang pangako ko kay Mama Athena at Papa Ricardo ang aalagaan ka. Ang unfair mo naman, anniversary natin 'to Ric. Ito ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Bakit winalang bahala mo lang. Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung may ibang babae ka? Nalilito ako sa'yo, kapag kasama mo ako. Pakiramdam ko prinesa mo ako, pagkatapos kapag lumalayo ka. Parang hindi mo ako kilala."

"Ugali mo talagang umiyak?" sambit ni Arthur at napatayo bigla si Regine. Bumaliko ang binti niya niya dahil sa namitig na binti. Mabuti at maagap si Arthur, hinawakan ang balakang niya ngunit dali-daling umatras si Regine at pinunasan ang luha.

"Hotdog ko para sa'yo," seryong inabot ni Arthur ang pagkain para kay Regine. "Kumain ka, ang putla mo. Baka umiyak si Archer kapag nawalan siya ng kalaro," muling nagsalita si Arthur at sinubukan magbiro para kay Regine.

"S-salamat. Sana hindi mo na ako sinundan," nahihiyang sinabi ni Regine at basta nalang sinubo ang hotdog sandwich.

"Mukha ka kasing magpapakamatay, ang losyang mo rin tingnan," wika ni Arthur at napakunot ang noo ni Regine.

"Napaka straight to the point mo naman!" Bulalas niya at tumalsik ang ilang tinapay sa t-shirt ni Arthur.

"You are such a gross Regine! I can't imagine isa ka sa mga babaeng naka-one night stand ko!"

"Wow! Ako nga pumatol sa bata! Hello fifteen years ang agwat ko sa'yo! Ano 'yon, kapatid kita? Tang ina lang talaga," saad niya at muling sinubo ang kalahati ng sandwich.

"But you actually reached your climax baby."

"Pwede ba, Tres? Kung bubuwisitin mo ako huwag ngayon! Huwag ngayon!"

"Bakit? Hindi ka sinipot ng ka-date mo?" "Wala kang pakialam ha! Ikaw, bakit hindi ka umuwi at baka may bumbunan ka pa!"

"Bumbunan? Really?" hinatak ni Arthur si Regine at idinikit sa katawan niya.

"Pwede ba? Huwag ka ngang gwapong-gwapo sa sarili. Hindi ako makukuha sa paganyan-ganyan mo. Utot mo," sagot ni Regine at binato kay Arthur ang paper pouch na lukot.

"You are incredible! Kahit na losyang ka, palaban ka naman pala," umiling at pinulot ang tinapon sa kanya.

"Losyang ako?" bulong ni Regine at tila na conscious sa sarili.

"Para siputin ka ng kadate mo, mag-ayos ka. Marami akong kakilala na thirty-five or I guess, going to thirty-six? Pero mukha pa rin twenty five," sambit nito.

"Wow! Grabe ka kung mang-alaska. Kung alam ko lang nabaliw ka rin sa'kin ng isang gabi," mahinang sambit nito.

"Umuwi ka na, walang bituin. Mukhang uulan. Mas lalo kang papangit."

Pinagmamasdan lang ni Regine ang lalaki habang naglalakad papalayo.

"Sarap mong kaltokan sa ulo," bulong niya at tumakbo na siya pabalik sa kotse niya.

Sa pag-uwi ni Regine sa bahay nila, nagulat siyang may rosas sa tinatapakan niya. May ilang kandila na nakapalibot sa hallway.

"R-ric," she whispered.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon