Climax 31

1.2K 81 8
                                    

Climax 31

Nakaharap sa salamin si Ric habang ginagamot ang tinakpan niyang sugat sa bumbunan. Mabuti at malabong ang kanyang buhok at nakuhang matakpan ang binasag na vase ni Regine sa ulo niya.

"I can't sue her," Ric whispered. Habang nakatingin sa salamin, pilit niyang tinitiis ang kirot sa kanyang bumbunan.

Ilang sandali at napatingin siya sa kanyang cellphone dahil sa tawag.

"Hello? I'm sorry, hindi ako nakatawag sa'yo. Busy lang sa trabaho," malambing na sinagot ni Ric ang tawag.

"I miss you babe. Puntahan mo ako sa bahay," sagot mula sa kabilang linya.

"Yes, pero ngayon may aasikasuhin lang akong client. I need to win this case. Alam mo naman gusto ko pang sumikat na Attorney sa Pilipinas," pagmamayabang na tugon nito. "I love you Jinx!" Muling sambit ni Ric at bago ibinaba ang linya.

Sa ilang oras na nalalabi, patuloy pa rin niyang hinahanap ang Land Title at kaso ng Tatay ni Regine.

"Hindi ka pwedeng mawala! Damn it, bakit hindi ko ba iningatan!" Galit na giit ni Ric.

******

Hawak ni Arthur ang cellphone at hinihintay niya ang reply ni Regine. Isang oras na siyang nakatunganga sa convenience store para sa pagkikita nila. Ilang sandali, narinig niya ang katok nito sa bintana at mabilis binuksan ang pintuan ng kotse.

"Are you okay?! Bakit may pasa ka na naman?" tanong nito at hinawakan ang braso niya. Napangiwi si Regine at lumayo.

"Okay lang ako," pagsisinungaling niya.

"Come on, Regine. Sinaktan ka ba ni Ric? Bakit hindi mo reklamo 'yang gago mong asawa!" Galit na sinabi nito. "I'm gonna kill him," pagdagdag ng binata.

"Arthur, ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Saan ba tayo pupunta?"

"May araw din ang asawa mo sa akin!" Natakot na naman si Regine dahil si Arthur naman ang galit. "Susunduin natin si Archer. Ayaw umuwi, ayaw sumama sa yaya. Akala ko isasama ni Kuya ang anak niya. May nasikaso siya sa Los Angeles. Itong sila Manang nakukunsumi kay Archer," sagot ni Arthur habang nagmamaneho.

"He needs a Mommy. Iba pa rin ang aruga ng isang Ina. Although ako, hindi ko rin na experience 'yon," pagkukwento ni Regine.

"Yeah," napabuntong hininga si Arthur at naaawa sa lagay ng pamangkin.

"Pwede ko ba siyang ampunin muna?" Biglang pagpiprisinta ni Regine.

"Are you sure? Baka hindi sumama sa'yo. Nagmana kay Kuya 'yon. Malakas din ang saltik sa utak," pagbibiro ni Arthur.

"Baliw! Ikaw lang ang nakikita kong may saltik. Oo nga pala, pastor ba ang Kuya mo?"

"Oo, pero hindi niya bagay," pagtawa ni Arthur.

Natahimik ng ilang minuto ang dalawa sa loob ng sasakyan. Malalim ang iniisip ni Regine tungkol sa kanyang asawa.

"I have a dinner date tomorrow with Nica. Kahit ayaw ko, gusto ni Dad. Besides, para hindi tayo mahalata hangga't hindi pa kayo hiwalay," bungad ni Arthur.

Napangisi si Regine at umiling. "Talagang pinapanalangin mo na maghiwalay kami ha?"

"Of course Regine! Ikaw ang nakikita kong magiging Ina ng mga anak ko. Alam kong magiging mabuti kang Ina," lakas loob niyang sinabi.

"Hindi ko alam kung kikiligin ba ako," pagbibiro ni Regine at tumawa.

"Do you want to try blowjob?" Tanong ni Arthur.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon