Climax 38

1.1K 80 14
                                    

Climax 38

Magkadikit ang kilay ni Ric habang pinagmamasdan ang kalaguyo niyang si Jinx. Ngayon na nasa isa silang coffee shop.

"Ano ang sinabi ko sa'yo?! Hindi ba't huwag kang magpapakita kay Regine? Bakit mo siya pinuntahan doon?"

"May karapatan ako Ric! I'm the first one! Your only one! Nagtitimpi lang ako kay Regine! Pero gusto ko na siyang sabunutan!"

"Pwede ba Jinx? Kailangan ko pa si Regine. Kapag nalaman niyang magkarelasyon tayo pati ang mga plano ko. Mawawalan ako ng lisensya!" Galit na sinabi nito.

"Hanggang kailan Ric? Mula sa San Francisco ganyan ka? Laging si Regine."

"Jinx, alam mong hindi ko nga ginagalaw ang babaeng 'yun! Pakinabang lang ang kailangan ko sa kanya! Please, don't be mad, baby. Para sa'tin naman ito," pag-amo niya.

"Hindi tayo aayos!"

"What? Bakit naman?"

"Hindi tayo aayos hangga't hindi mo siya hinihiwalayan! Your marriage here in the Philippines is still valid!" Galit na sinabi nito.

Napabuntong-hininga ulit si Ric at tinignan sa mata si Jinx.

"I know, madali lang itong mapawalang bisa, alam ko ang batas," aniya nito. Hindi ngumiti si Jinx at inirapan pa rin si Ric.

******

Handang-handa ang susuotin ni Arthur para sa Graduation Day. Hindi mawala sa kanyang isip ang pagbubuntis ni Regine. Hindi rin niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang Ama.

"Fuck, I need my money now," napatingala siya at lumabas ng kwarto upang puntahan si Smith.

"Congrats son! I'm so excited for your graduation. Kung buhay ang Mama mo, sigurado akong proud sa inyong tatlo 'yon. Lalo sa'yo na sumusunod ka sa yapak ko," saad nito.

"Thanks Dad," maikling niyang sagot.

"About the case, magaling ang abogado mong si Ric. Kahit gaano pa kasikat ang kinuha nila Camaia to sue you. Wala silang magagawa. They don't have a complete evidence," pagtawa ng Ama.

"Dad. May gusto sana akong sabihin."

"What?"

"Ah, about my Money. I need it now," giit ng Arthur.

"Oh, no problem Son!" Tumayo ang Ama nito at inabot ang apat na passbook.

Nagulantang si Arthur dahil hindi niya akalain na malaking pera ang nilalaman nito.

"That's for your future, para sa pamilya mo. Hindi na kita pakikialaman pagkatapos mong makasal kay Nica."

"T-thanks Dad," giit niya at ngumiti na lamang sa kanyang Ama.

"I'll go ahead, may kailangan lang po akong aralain sa company policies."

Nang marating niya ang kanyang kwarto, tila nagpakadalubhasa ang binata upang aralin ang mga kinuha niyang dokumento kay Regine.

"Walang sikretong hindi nabubunyag Attorney. Uunahan kita, I will make sure na sa'kin si Regine," nilingon niya ang cactus na regalo ni Regine sa kanya. "I love you, Reigne. I will make you happy. Kahit alam kong nag-aalangan ka pa."

Tulala at hindi nagsasalita si Regine. Ilang oras na siyang tengga sa loob ng stock room habang pinagmamasdan ang ceramic project niya na sinira ni Ric. Iniwan siya ni Gracia sa loob ng stock room magmula sinabi niya ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao.

"Dad, kaya po ba sinasabi niyong mag-aral ako ng maigi at gamitin palagi ang pag-iisip sa lahat ng bagay, kasi ayaw niyo akong maloko? Ito na Dad, labindalawang taon na akong niloloko ng taong minahal ko. Ngayon na siyang kinamumuhian ko. I hate myself, nagpakabulag at sobrang tanga ko. Aanhin ko ang mataas na grades noon, kung sa diskarte ko sa buhay doon naman ako bumagsak? Anong gagawin ko? Buntis ako sa ibang lalaki. Mahal ko si Arthur, ayokong mawala siya sa piling ko. Pero paano namin paninindigan ang regalong ito? Paano namin paninindigan maging magulang? Kung ako'y nakatali sa asawa ko at Attorney pa ni Arthur?"

Napahawak si Regine sa kanyang teynga dahil sa biglang pagtunog nito at halos mabingi. "Ah!" ungol niya dahil sa sobrang kirot nito.

"Reg! Are you okay?" biglang pagpasok ni Gracia.

"Y-yeah I'm okay," matamlay niyang sagot at pinilit na magmukhang maayos sa harapan ng kaibigan.

"I'm sorry," aniya ni Regine sa kaibigan.

"Sorry? Hindi mo kailangan mag-sorry. Nagmahal ka lang, natanga ka at naghahanap ka ng outlet para mailabas mo 'yang nararamdaman mo. Kasalanan man ang ginawa niyo ni Arthur, kailangan mo pa rin itong ituwid. Matanda ka na Regine, alam mo na dapat ang solusyon at tamang gagawin," wika ni Gracia at ngumiti sa kaibigan.

"Maraming tinatago si Ric sa'kin, Gracia. May mga nalalaman akong paunti-unti. Kinakailangan ko ng kasagutan. Pero mukhang maselan ang pagbubuntis ko. Gusto kong umuwi ng probinsya," malungkot na sinabi ni Regine.

"What? Ano naman ang gagawin mo?"

"Kailangan kong makausap sila Tito at Tita. May kailangan akong malaman tungkol sa pagkamatay ni Dad. Kailan ko lang nabasa ang Counter Affidavit ni Tito against Papa Ricardo at Mama Athena."

Napahawak si Gracia sa kanyang dibdib at tiningnan mata sa mata si Regine. "Hindi ko alam kung tama ba ang iniiisp ko or masama lang akong mag-isip?"

"What Gracia?"

"Pakiramdam ko sinet up kayo," aniya nito.

Napayuko si Regine at kuyom ang kamao. "Ang tanga ko, pero kailangan kong maging matalino. Hindi basta-bastang kalaban si Ric. Alam niya ang bawat sulok ng batas. Kaya niya itong paikutin," giit ni Regine.

Kinagabihan, umuwi Regine sa rent to own apartment na pagmamay-ari ni Gracia. Inaayos niya ang mga dokumento na kailangan niya upang i-file ang annulment kay Ric. Muli niyang tiningnan ang kanyang ipon at balak niyang kumuha ng magaling na abogado.

"Para sa kalayaan ko at hustisya ni Dad. Please, give me wisdom Dad and Mom. Alagad ng batas ang kalaban ko. Didiretsuhin ko ang baluktot niyang batas," saad ni Regine.

Tumayo siya upang mag timpla ng gatas. Patingin-tingin si Regine sa kanyang cellphone at inaabangan ang tawag ni Arthur.

"Galit pa rin ba siya sa'kin? Natatakot lang naman ako para sa kanya," aniya ni Regine at sinubukan mag-text kay Arthur.

"Arthur, huwag ka naman angry bird. I'm sorry, sana mag-usap man lang tayo. Hindi 'yung ganito na hindi ka nagpaparamdam. Please? Puntahan mo naman ako sa rent to own property ni Gracia, hinahanap ka ni baby."

Umabot ang ala una ng madaling araw, wala pa rin Arthur na nagrereply.

"Galit nga siya. Ayaw niya akong kausap. Paano kung iniwan ako ni Arthur? I mean, binuntis lang niya? Hay, ano ba ang iniisip mo? Mahal ka no'n! Hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi ako aasarin!" Pilit niyang pinapalakas ang loob at hinawakan ang sinapupunan. Pinatay niya ang ilaw at sinimulang ipikit ang mga mata.

"Good night, Regine."

Kahit ilang minuto na siyang nakapikit, wala at hindi pa rin niya makuhang makatulog. "Anak, nand'yan ka ba? Huwag mong pababayaan si Mommy ha? Lalaban tayo, kasama ng Tatay mong masungit," natatawang bulong ni Regine habang nakapikit.

Ilang saglit at Bbglang dumilat ang mga mata ni Regine dahil sa isang kaluskos. Nagising ang kaluluwa ni Regine at bumangon upang sumilip sa bintana. Isang studio type ang kanyang tinutuluyan. Ibig sabihin, maliit lamang ito. Kinusot niya ang mga mata at nakita ang isang shadow sa bintana. Malaki ang shadow nito at nakasumbrero.

Napangiti si Regine. "Arthur," hindi niya binuksan ang ilaw at nais niyang isorpresa ang kanyang nobyo.

Reaching her ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon