Chapter 3:Death League

207 23 14
                                    

Chapter 3:Death League

Ella's POV

"Anong kailangan niyo sa'min?"-diretsong tanong ko dahil wala naman talaga akong planong magtagal dito.

Ang gusto ko lang ay malaman kung ano ang kailangan nila sa'min.

"We need you"-sabi ni President Waldo habang tahimik pa rin yung dalawang kasama niya pati na rin si Nieves.

"Ano ngang kailangan niyo sa'min?"

"Five days ago, nagmeeting ang lahat ng presidente ng mga bayan kasama ang pinakamataas na opisyal at balak nilang burahin na sa mapa ang Cora"

"Pero paano tayong mga nakatira rito?"-tanong ni Nieves

"Walang kasing-sama ang presidente ng ibang bayan at balak nila tayong gawing alipin"

"At pumayag ka naman?"-sarcastic kong sabi.

"I'm not stupid to do that, Ms.Ella. Kaya tumutol ako sa gusto nilang gawin. Akala ko nga ay paparusahan o pagagalitan ako ng pinakamataas dahil sa pagtutol ko sa kaniya, but he didn't do that. Sa halip ay may iniregalo siya sa bawat bayan."

"Anong regalo?"-Tanong ko

"Isang sulat na naglalaman ng mga batas ng isang laro. Naglalaman din ito ng mga bagay na magiging premyo ng mananalo."

"Anong laro?"-tanong ni Nieves

"Death League"-sabi nung isang lalake na kasama ni President Waldo.

"At ano ang premyo kapag nanalo?"-tanong ko

"Ang mananalong bayan ay bibigyan ng mga ginto na alam naming sapat upang makabangon ang Cora. Ang mananalong bayan ay maaari ring sakupin ang ibang bayan na natalo nila kung ito ay kanilang nanaisin."

"Tapos, kailangan niyo kami para lumaban sa pesteng ligang yun, hindi ba? Tss...Kalokohan, kumuha nalang kayo ng ibang tao na kayang ibuwis ang buhay niya para sa isang larong wala namang kwenta"-sabi ko sabay tayu sa upuan.

Nakita ko naman na nagulat si Nieves sa inasta ko pero tumayo rin naman agad siya saka kami sabay na lumabas sa bahay na yun.

****
Napakadilim na ng paligid habang naglalakad kami sa gubat pabalik sa sentro ng bayan.

Alas-syete na siguro ng gabi ngayon, natatanaw ko na rin mula rito ang ilaw ng mga bahay sa bayan.

"Ella, hindi mo ba kayang gawin ang inaalok nila?"-Tanong bigla ni Nieves

"Tama ka, hindi ko nga kaya."

"Pwede ko bang malaman kung bakit mo nasabi yan?"

Fearless:The Death LeagueWhere stories live. Discover now