Chapter 10:Team Magnus

91 14 35
                                    

Chapter 10:Team Magnus

"Hala Ella,okay ka Lang?"-tanong ni Naomi ng makita niyang nagdudugo ang kamay ko

Ang dugo sa kamay ko tumutulo na sa lupa

Kung sino man talaga ang may gawa nito ay gaganti talaga ako

I don't care who

Tumingin-tingin ako sa mga bisita at salamat dahil hindi nila napapansin ang mga nangyayari sa grupo namin

Ayokong magkagulo dito

F*ck

Ibinaba ko na agad sa lamesa yung kutsilyo na punong-puno na ng dugo ko

"Dumudugo padin Ella"-Sabi ni Nieves

I can't f*cking heal my wound here lalo't alam kong palagi lang kaming tinitignan ng mga presidente ng ibang bayan

Kapag ginawa ko Yun ay malalaman nila ang ability ko

Sa cr ko nalang kaya gamutin?

No,magtataka padin sila Kung bakit nawala nalang bigla Yung sugat ko

Mukhang wala na akong choice kundi ang tiisin muna to ngayon at sa Cora Mansion ko nalang to gagamutin

Tumayo naman ako sa upuan habang tumutulo padin ang dugo mula sa kamay ko

"Ella,sa'n ka pupunta?"-Tanong ni Naomi

"Cr Lang ako"-Sabi ko sa kanila

Ang problema lang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ang Cr

F*ck pano to?

Lumingon-lingon ako sa paligid at mabuti nalang at napatingin sakin si Ms.Elizabeth

Mukhang nagulat naman siya ng Makita niya na may sugat ako sa kamay at tumutulo pa ang dugo mula rito

Lumapit agad siya sakin at nagsalita ng pabulong

"Ella,anong nangyari sa kamay mo?"

"Mamaya ko na ikikwento,ituro mo nalang sakin kung nasaan ang cr dito"-Sabi ko

"Pagkalabas mo sa garden nato ay may makikita kang isang hallway,dumaan ka don at ang unang pinto na Makita mo,Yun ang Cr"

Pagkasabi ni Ms.Elizabeth nun e tumakbo na agad ako papunta sa sinabi niya at Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin

Pagkalabas ko ng garden ay nakita ko kaagad yung isang hallway

Tumakbo agad ako papunta doon at may nakita nga akong isang pinto

Comfort room

Yun ang nakasulat

Pumasok agad ako sa loob at humihingal na napaharap sa salamin

F*ck

This day is a f*cking disaster

Hinugasan ko na agad ang kamay ko

Patuloy padin itong dumudugo at malaki pala ang naging sugat sa kamay ko na halos sakupin na ang buo kong palad

Who the f*ck did this to me?

Pagkatapos kong hugasan ang sugat ko ay pumunit agad ako ng tela mula sa pinakadulong bahagi ng damit ko

Hindi naman mahahalata yun e

Ibinalot ko to kaagad sa kamay ko para matigil man lang yung pagdudugo kahit papano

Fearless:The Death LeagueΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα