Chapter 6:Belle

106 14 31
                                    

Chapter 6:Belle

Ella's POV

Nandito padin kami sa loob ng kwarto matapos kaming iwan ng Cora Committee

"Let's go"-sabi ni Prime sa amin

Pupunta na ba kami kila Tito Hans at Tita Carla?

Tumayo agad kaming lahat at sumunod Kay Prime palabas ng kwarto

Pagdating namin sa gubat ay tahimik padin ang lahat

Para bang takot silang magsalita

Bahala sila

Mas gusto ko din naman to

'Ella'

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong boses sa ulo ko

Her voice is familiar,Hindi ko lang masabi Kung sino ang nagmamay-ari ng boses

'Ella'

Narinig ko na naman ito uli na para bang tinatawag ako

Lumingon-lingon ako sa paligid ko pero wala naman akong ibang nakita na naririto maliban sa amin

"Ella Okay ka lang?"-nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita si Nieves

Pagtingin ko sa kanila ay nakatingin na sila sa akin na para bang naghihintay ng sagot ko

Tumango nalang ako

Ayoko namang sabihin sa kanila na may narinig akong boses sa ulo ko

Baka sabihin pa nila na nababaliw nako

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bayan

Tanghali ngayon kaya marami Ang nasa kalsada

Ang iba ay nag-uusap at ang mga bata naman ay naglalaro

Naramdaman ko naman na biglang may yumakap sa paa ko mula sa likod

Pagtingin ko ay Yung bata pala na humingi ng tulong samin kagabi

His name is Michael

Humarap ako sa kanya at lumuhod para magpantay kami

Tinignan ko yung mukha niya

May mababakas ka paring lungkot sa mukha niya

Teka,Nalibing na ba ang nanay niya?

"Ate,ikaw Yung kagabi Hindi ba?Anong pangalan mo?"

"Ella"-Sabi ko

"Ate Ella,Thank you Po kagabi ha"-Sabi niya habang nakangiti

Malungkot naman akong napatingin sa kanya

"Bakit mo'ko pinapasalamatan,eh Hindi ko naman nasave ang mama mo?"

"Thank you Po Kasi sinubukan niyo parin,Thank you dahil kinupkop niyo ko"

Kung pwede lang umiyak ngayon ay ginawa ko na

Pero hindi

Ayokong maging mahina

Niyakap ko nalang si Michael dahil baka maiyak na ako kapag nakita ko pa ang mukha niya

Mabuti nalang at wala sa akin ang atensyon ng mga kasama ko kundi na sa mga tao sa paligid na patingin-tingin samin

"Michael,ano palang ginagawa mo dito sa labas?"-Tanong ko

Fearless:The Death LeagueWhere stories live. Discover now