Chapter 5:Meeting

132 15 59
                                    

Chapter 5:Meeting

Ella's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto ng babae na makakagrupo raw namin sa Death League.

Kinausap kasi sila ni Mr.President kanina at sabi niya na dapat daw na linisin na nila ang mga sarili nila dahil mayamaya ay magsisimula na raw ang meeting.

May aasikasuhin lang daw si Mr.President kaya ibinilin niya na muna kami sa kanila and the girl insisted na dito nalang muna raw kami sa kwarto niya.

Ewan ko nga kung bakit may kwarto siya rito sa Cora Mansion.

Hindi na din ako nagtanong kung sino ang isa pa naming makakasama.

Duh?

As if naman I care.

Wala akong pake kung sino man siya.

"Hi, what's your name?"-tanong bigla nung babae sabay upo katabi namin.

Tapos na pala siyang magbihis.

"Hello, I'm Nieves"-pagpapakilala ni Nieves.

Tumingin lang ako sa kanya dahil wala akong planong sagutin ang tanong niya.

"My name is Naomi. Pasensya na, baka sabihin niyo na feeling close ako ha. Ganito lang talaga ako, happy ako kasi sa wakas ay may babae na rin akong makakasama sa training"

"What's your ability, Naomi?"-Tanong ni Nieves

Nasa kanya ang spirito ng kadaldalan Nieves.

"I can control the air element, kayo?"

"Ice"-Sagot ni Nieves

Tumingin naman si Naomi na sakin na parang naghihintay ng sagot ko.

Ewan ko, kahit na madaldal siya ay hindi ko maitatanggi na komportable ako sa kanya.

"I can control the water element and the Earth element"-Sagot ko

"Two abilities? That's very rare. You will really be a great strength to the team"

Then she smiled sweetly at me. She really looks beautiful

"Bakit ka nga ba may kwarto rito sa Cora Mansion?"-Tanong ulit ni Nieves

"Hindi ba nasabi sa inyo ni Mr.President?"

"Ang alin?"-Nieves

"It is required for us to live here.You know, for our training"

Kung ganun ay iiwan namin sila Tita Carla at Tito Hans?

Kung dito na talaga kami titira, sana naman ay mabigyan kami ng pagkakataon na makausap ang mga magulang ni Nieves.

Gusto ko rin kasing makita yung bata.
Para naman magkaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy to.

"Matagal ka na ba sa pesteng mansion na 'to?"-Tanong ko

"Ella"-awat sa akin ni Nieves

Ayaw na ayaw niya kasi talagang nagmumura ako. She hates that.

Napatawa naman ng mahina si Naomi dahil sa pagmura ko.

"Actually, I just got here 4 days ago. Kasabay ko yatang nakarating dito yung dalawang lalake and then we started our training immediately"

Fearless:The Death LeagueWo Geschichten leben. Entdecke jetzt