Ilang buwan na lang at magpapalit na naman ng administration at mga bagong mamumuno sa gobyerno.
Kanya kanya na namang pasabog, pasikat, pabango sa mga botante ang mga kandidato. Pero sa mga lugar na hindi pa nararating ng NEA o National Electricity Administration ay walang pake ang mga tao hindi lang dahil hindi nakakarating sa kanila ang mga suhol at regalo ng mga kandidato kundi dahil wala pang tv at wala silang idea kung ano ang mga kaganapan sa kabihasnan maliban sa iilan na may ambisyon at nag e-effort na tawirin ang mga ilog at bundok para sa edukasyon kaya kahit paano ay aware pa rin sila sa nalalapit na election.
"Sana kung sino man ang mga mananalo at susunod na mamumuno ay bigyan naman nila ng pansin ang mga lugar na tulad nang sa atin. Karapatan din naman nating i-enjoy ang mga tinatamasa'ng modernisasyon ng mga nasa siyudad ano!"
"Sana nga... Kaso ilang presidente na ang nagdaan, ilang generation na rin ang nagpalit palit sa lugar natin, isinilang tumanda at namatay nang hindi man lang nakatikim ng liwanag sa gabi!"
"Sino sino kaya sa mga kasalukuyang nakaupo ang makakabalik sa pwesto?''
"Pinaka kulilat sa bilangan si Narciso Lazami sa mga senador, bistado kasi na matapobre at malupit!"
"Ok lang kung mata pobre, ang importante sana ay gawin nila nang maayos ang trabaho nila! Ayusin nila ang kalsada dito sa Baranggay Bakian para lahat ng mga kabataan ay makapag aral nang mabuti at para umayos na din ang kalakal sa lugar natin!"
Isa ang Baranggay Bakian sa pinaka remote na area sa Visayas island. Isang lugar na hindi sakop ng kabihasnan at napag iwanan na ng modernisasyon. Tinawag ito na Baki-an dahil balwarte ng ibat ibang uri ng mga palaka na nagpapaligsahan sa ingay tuwing tag ulan.
Pero kahit ganun, ay maganda ang lugar. Tahimik (maliban sa mga palaka), sariwa ang hangin at mga pagkain, pati ang tubig na nanggagaling sa bukal ay presko at manamis namis.
Kaya naman kuntento na sa simple'ng buhay doon ang karamihan sa mga naninirahan, pa easy easy lang dahil kahit hindi sila lumuwas sa kabihasnan ay may kinakain sila.
Malawak ang kaparangan para sa mga ligaw o kusang tumutubo na mga gulay tulad ng gabi, saluyot at ampalaya. Malawak din ang dalawang ilog na pinagkukuhanan ng mga isda at maliliit na hipon, at kapag tag ulan nanghuhuli sila ng mga palaka na pwedeng kainin.
"Magandang hapon po kapitan, hinahanap po kayo ng dalawang ito!"
Tumigil ang kapitan sa paghimas sa balahibo ng kanyang sasabunging manok. Isa ang sabong sa dibersiyon nila tuwing araw ng linggo at mismong si kapitan ay kasali.
"Sino sila?""Good afternoon po kap, ako si B-Bobby at ito si...Randa, misis ko po!"
"G-good afternoon po, kap?"
"Tuloy kamo, unsa'y atin? Bakit niyo ako hinahanap?"
"Ah kapitan, muuli na ako, diyan na kayo!"
Paalam ng lalaking naghatid sa mag asawang dayo. Sabay na tumango ang mga ito sa kanya.Nang wala na ang lalaki, ay hinarap ng kapitan ang mga bagong dating at parang pulis na nag- iimbistiga habang hinahagod ng tingin ang mga hitsura ng mga kaharap.
"Ngayon, anong maipaglilingkod ko sa inyo?""Ahm, maghahanap po sana kami ng matutuluyan at mabibiling bahay at lupa dito. Since kayo po ang Baranggay captain dito kaya sa inyo po kami hihingi ng tulong at permission na rin!"
Nung una ay duda ang kapitan sa maaaring motibo ng dalawa.
"Bakit dito? Hindi niyo ba nakita kung gaano kahirap ang daan papunta dito? At paano niyo ito nalaman gayung ni isa sa mga pulitikong kumakandidato ay hindi makita ang lugar na ito para mang uto ng mga botante?""Nakarating na po kami dati dito nung nag aaral pa ako. Kasama po ako sa mga nag volunteer na magpaabot dito ng mga libreng gamot at vitamins para sa mga bata."
"Ako din po, nag conduct po kami ng community service dito nung college para sa tree planting dahil medyo nakakalbo na ang mga bundok!"
Tumango tango ang kapitan pero hindi pa rin siya totally convinced.
"Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit dito niyo gustong tumira?"Nagkatinginan ang mag-asawa. Ano ba ang isasagot nila dito sa mausisang kapitan? Saglit na nag usap ang mga mata nila.
"Hindi po namin kayo masisisi kung nagdududa kayo sa amin. Pero sa maniwala kayo't sa hindi ay pareho po kami'ng na-inlove sa lugar na ito. At isa pa, m-magkagalit po ang mga parents at mga ninuno namin kaya tutol sila na magkatuluyan kami. Kaya heto, nagtanan na lang kami, haha!"
Ilang paliwanagan pa at sa wakas, ay nakumbinsi din ang kapitan.
"Aw sige, tinatanggap ko kayo dito sa Baranggay Baki-an. May nakatiwangwang akong lupang sakahan sa tabi ng sapa na nasa paanan ng bundok. Nasa mahigit tatlong ektarya yun, ibibigay ko sa inyo sa presyong kayang kaya, bahala na kayong mag-linang!""Sige po, sige po!"
Tuwang tuwa na sagot ni Bobby, hindi makapaniwala na magiging ganoon kadali sa kanila ang lahatKumunot ang noo ni Randa. Anong gagawin nila sa paanan ng bundok na malayo sa mga kabahayan? Baka mga baboy ramo, unggoy at mga sawa ang mangapit-bahay sa kanila niyan!
"Are you sure?""Yes of course, why not?"
"What do you know about farming? Nagbibiro ka na naman eh!''
Kinabig ni Bobby ang balikat ni Randa at tinamnan ito ng halik sa toktok ng ulo.
"Mahal ko, nakalimutan mo na ba na matagal ako sa bundok nung..."Napatigil sa pagsasalita si Bobby nang mag ubu ubuhan si Randa sabay tingin sa kapitan.
"I mean, lumaki ako sa bundok at anak ako ng magsasaka kaya na-train din ako sa mga ganyang gawain!""Okey!"
Maikling sagot ni Randa dahil hindi pa rin niya ma-figure out kung paano sila mabubuhay sa lugar na yun. Ganun pa man ay may tiwala siya kay Bobby, alam niyang kaya'ng panindigan ng asawa ang mga sinasabi."Tungkol sa tutuluyan niyo. Pwede kayong pumirmi pansamantala dito sa amin tutal eh dadalawa lang kami ng asawa kong aalog alog dito. May bakante'ng kuwarto sa likod, pagtiyagaan niyo na'ng linisin at hindi ko na maharap pa!"
Nakahinga nang maluwag ang dalawa. Akala nila ay matutulog sila sa ilalim ng mga puno o sa mga damuhan e.
"Maraming maraming salamat po sa tiwala kapitan, ipinapangako po namin na hinding hindi ninyo pagsisisihan ang pagtanggap sa amin ng asawa ko dito sa inyo, magiging mabuti po kaming residente!"
"Walang anuman at panghahawakan ko ang sinabi mo!"
Siyang labas ng isang may edad na babae.
"Siya nga pala, ito naman si Puring ang asawa ko. Manghihilot at siya ang nagpapaanak sa mga buntis dito pero ako mismo ay hindi mabigyan ng anak, haha!"Pabirong binatukan ni aling Puring ang kapitan.
"Ayan ka na naman sa mga tirada mo!"Noon din ay ibinigay ni Bobby sa kapitan ang halagang hinihingi nito para sa kabayaran ng lupa.
Kinabukasan, tinulungan sila ng kapitan na maghanap ng mga karpintero at maglalagare ng mga puno at kawayan na gagamitin sa pagtatayo ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...