CHAPTER 17

57 18 0
                                    

Chapter 17

WE SPEND our remaining hours in that resort and being happy. Just like other days that will come. We're so happy. Nothing to think that much about. We graduated from senior high school, now we're both in the same university for our college. He is a second-year college while I am a first-year college. We're both taking BSBA Accountancy because of our family business.

Six months in college went well. It was a bit challenging but I kinda liked it. I befriended my seatmates in every subject but only those people who are good for my taste as a friend.

"Napakadaya mo talaga, Clark. Hindi na nga tayo tumatakas sa school eh." Nagtatampong sbai ko sa kanya nang makita ko siyang naglalakad sa parking lot. Inaya ko siyang gumala ngayon tutal maaga naman ang dismissal. Noong First-year siya hinid din kami masyadong nagkikita dahil nag adjust pa daw siya at sumali rin daw siya sa varsity.

Nakakalungkot yung taong iyon pero ayos lang tiniis ko naman dahil isnag taon lang naman iyon. Pero hindi ko aakalain na mas hindi ko siya makakasama ngayong taon na to kahit na magkasama na kami sa isang school ulit.

"Ria, marami pa akong gagawin. Maraming pinagawa ang mga prof namin." Tamad na tamad niyang sabi. Pinagmasdan ko siya at nakita ko ngang pagod na siya. Natural na malamlam ang mga mata niya pero mas lumamlam ito dahil sa pagod.

"Hmm. Okay tara na nga sa bahay niyo. Ako na magdra- drive." Sabi ko at kinuha ang susi sa kamay niya. Narinig ko ang paagbuntong hininga niya mula sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa driver's seat.

"Paalala lang, Ria. Hindi ka pupunta sa impyerno ha?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo na. Umidlip ka na muna." Sabi ko habang lumalabas sa parking lot ng university. Bukas ko na lang babalikan yung kotse ko.

"Ayoko. Babantayan na lang kita. Baka dalhin mo kong langit." Striktong sabi niya. Minsan ko na kasing ginawa yun noon halos ayaw niya akong pagamitin ng kotse ulit dahil sa ginawa ko.

Nakangisi lang ako habang nagd-drive paunti- unti ay binibilisan ko. Ang boring kasi ng mabagal lang. Maya- maya ay narinig ko na ang sigaw niya dahil sa inis niya sakin. Tinawanan ko na lang siya at tinuloy ang pagd-drive ng matulin.

"Ria! Lagot ka talaga sakin kapag nakarating tayo sa bahay!" Sabi pa niya. Nang malapit na kami sa village ay swinabehan ko na lang ang pagd-drive.

"Ria, wag mo na ulit gagawin iyon! Lalo na kung mag isa ka lang!" Pasigaw na sabi niya sakin.

"Hindi ko naman talaga ginagawa yun kapag mag isa ko. Kapag kasama lang kita tsaka ko lang ginagawa yun. Tsaka mo nga akong sigawan dahil magkatabi lang naman tayo." Totoo naman kasi yung sinasabi ko. Never ko pang ginawa iyon kapag hindi siya kasama. Gusto ko lang naman asarin siya.

Alam ko naman kung anong ginagawa ko at hindi ako lalagpas sa nilagay kong limitasyon para sa sarili ko. Pero sa tingin ko kapag dating sa kanya wala. Nawawala yung limitasyon ko lalo na kapag siya yung kasama ko kasi alam kong siya ang magsasabi sakin kung hanggang saan lang ako pero sa mga nagdaang taon never kong binigyan ng limitasyon ang sarili ko  para sa knaya. Ewan ko kung napapansin niya iyon o talagang wala lang talaga siyang pake.

I never had boyfriends even flings. Katulad na lang sinabi ng mga kaibigan kong bloc mate ko na bakit hindi ko daw i-try na gawin iyon. Bakit daw wala pa akong pinapakilala sa kanilang lalaki maliban kay Clark. Isa lang ang sinasagot ko sa kanila. 'Hindi ko kailangan niyan kung mayroon naman akong lalaki na palaging nasa tabi ko kahit na hindi kami mag boyfriend-girlfriend. Tsaka kailangan mong makuntento sa kung anong ibinibigay sayo at wag ng maghanap o maghintay pa ng iba.' Kapag sinasabi ko iyon ay nakikita ko ang mga disappointment sa mukha nila dahil ang akala nila sakin noon ay isang 'playgirl' which is an opposite me.

Can't Get Over With ItWhere stories live. Discover now