CHAPTER 18

55 20 0
                                    

Chapter 18

A COUPLE OF YEARS we're like haywire because of what happened back when we know the secret about them being an agent.  I began to lose patience when they are going out without even knowing if their reason was true or it was just a front for what they are really going to do.

After that scene happened, I avoid people. Napasama pa si Clark sa pag iwas ko sa mga tao. Hindi na ako nangungulit sa kanya kapag gusto kong gumala dahil nawalan na ako ng buhay para doon. Alam kong para sa iba ay maliit na bagay lang yon pero yung iisipin mong pinagkakatiwalaan mo sila buong buhay mo pero sa bandang huli may kasinungalingan pa rin pala silang pinapakita at ginagawa sa harap mo.

Pamilya ko sila kaya nararapat lang na pakatiwalaan ko sila pero hindi lang naman kasi yung tiwala ang kinakabahala ko pati na rin yung kaligtasan nila sa ginagawa nila. Paano kung may mangyaring masama ssa kanila habang ginagawa yung misyon nila? Paano kung mamatay sila? Ayokong isipin na ganoon ang mangyayari pero hindi ko maiwasan.

Paano kung hindi ko malaman na ganun pala ang ginagawa nila hanggang sa mamatay sila? Paano kung isnag araw malalaman ko na lang patay na sila ng hindi ko alam ang dahilan kasi alam kong safe naman ang ginagalawan nilang mundo?

Nakarinig ako ng yapak pababa ng hagdan kaya napatingin ako dito.

"Nak aalis muna kami ng papa mo. Mga ilang araw lang naman dahil may aasikasuhin lang naman kami tungkol sa-"

"Tungkol sa ano, Ma? Tungkol ba to misyon niyo? Ma ilang beses niyo bang ipapaalam sakin na business ang pupuntahan niyo pero hindi kung sa bakbakan pala ang punta niyo?" Mahinahon ngunit may inis pa rin ang tono ko. Nakita kong nagulat siya sa aking mga sinabi. Napapikit ako ng mariin at sinabunutan ang sarili dahil sa pangigilid ng luha ko.

"C-Chandria, anak, p-pano mo nalaman yan?" Naguguluhang sabi niya. Tinitigan ko siya ng diretso at tsaka nagsalita.

"Ma hindi niyo naman kailangan itago sakin ang tungkol doon. Ayos lang naman sakin kasi at least kapag nakita ko kayong may sugat alam ok kung saan talaga nanggaling iyon hindi puro sa mga palusot na sinasabi niyo. Ma sawa na ako sa ganyan niyo. Anak niyo ko, nag aalala rin ako sa magiging kalagayan niyo kapag may mga sugat kayong umuuwi sa bahay pero since kayo naman ang nagsabi ng kung saan galing iyon pinaniwalaan ko kayo kahit ayoko. Kasi kayo yun eh. Pamilya ko kayo pero bakit kailangan may ganito kalaking sikreto na itatago niyo sakin?" Humahagulgol na sabi ko dahil hindi ko kayang dalhin to. Masyadong mabigat para sakin yung pag aalala at pag kagulat.

It's been2 years when it happened and I can't count kung ilang beses na nagpaalam sila sakin na aalis sila kaya sumabog na ako. Masyado na nilang pinatagal to.

"Anak sana maintindihan mo to. Hindi ko gustong itago sayo to pero kailangan, para maprotektahan ka. Hindi ko alam kung saan mo nalaman iyong trabaho namin pero delikado to at ayaw ka naming madamay. Kailangan naming gawin yun para maging ligtas ka. Hindi natin alam kung anong gagawing kilos ng kalaban lalo na at mayroon kaming anak pati rin sila tita Dani mo ay ganon ang ginagawa kay Denver." At marami pa siyang ipinaliwanag sakin ngunit nito naalis ang pag aalala ko para sa kanila.

"Naiintidihan ko naman iyon, Ma. Pero kasi habang kayo nag bubuwis ng buhay ako naman nagpapakasasa sa buhay ko dahil akala ko ligtas kayo at wala akong aalalahanin." Hindi na nagsalita pa si mama pagkatapos kong sabihin iyon ay umiyak lang kami pareho habang yakap yakap ang isa't isa.

Ngayon ko lang napansin na nasa likod pala ni mama si papa. Ngitian niya ako ngunit may lungkot ang mga ngiting ibinigay sakin, ganun din ang ginawa ko.

"We have to go. Okay? Stay here. Kung aalis ka man mag pasama ka kay Denver o kaya ay magsama na din kayo ng bodyguard." Sabi ni mama habang naglalakad kami palabas ng bahay.

Can't Get Over With ItWhere stories live. Discover now