(HISTORICAL SERIES #1) Si Zerene Hamilton ay isang babaeng independent. Kaya kahit mayaman naman siya, pinilit niya ang sarili na magtrabaho sa isang restaurant na pagmamay-ari ng isang masungit na lalaki na nagngangalang Benedict Reyforth. Hanggang sa isang araw, nakilala ni Zerene ang isang matandang babae- si Lydia Casabuena. Kinuwento sa kanya ni lola ang tungkol sa iniibig niyang si Emmanuel na hanggang ngayon ay hinihintay niya pa din ng matagal na panahon. Ang nakaraan at kasalukuyan. Dalawang istoryang magpapakita kung paano umibig noon at ngayon. Gaano nga ba kahirap umibig noon sa panahon ng Martial Law, kung ikukumpara sa henerasyon ngayon?