Yes, hindi ko pa naranasang pumasok sa isang relasyon. Hindi ko pa naramdamang may taong mag-aalaga at magmamahal sa'yo at mamahalin mo rin syempre. Pero it doesn't mean na alien ako or abnormal tulad ng sinasabi ng mga kaibigan ko. It's just that it's not yet time. Hindi ko pa nararamdaman eh. Hindi ko pa nakikita yung tamang tao. Hindi ko pa nakakapa sa puso ko yung kilig, yung taong hindi ko pagsasawaang titigan at makasama at yung taong magpapabilis ng tibok ng puso ko. Sabi nila excuse ko lang daw yung mga 'yon. Siguro nga. Pa'no naman ako mai-inlove, tignan nyo ang itsura ko, hindi ideal, idagdag pa ang pagtatrabaho ko habang nag-aaral ako. Hay. Forever na siguro ako walang jowa, habang buhay na single. Hay... Ano kayang feeling ng may boyfriend?