Chapter 9

93 17 2
                                    

Charity

Maureen's POV

Parang normal na araw lang ang araw ko ngayon. Pumasok ako ng maaga, ginawa ang trabaho ko at ngayon nandito kami sa canteen, kumakain.

Tumingin ako sa relos ko. 2:45 pa lang. Nakakapagod ang araw na ito pero may pupuntahan pa 'ko, kami. This makes my ordinary day different.

Pupunta kami sa isang charity house mamayang three pm. We will have our shooting. Kalahati kasi ng mapapanalunan sa segment na sasalihan namin ay mapupunta sa aming chosen charity. Since wala naman ako ng charity works, I agreed to have Jake's instead.

Kinakabahan ako. It's my first time to be on cam, maliban na lang sa biglaang interview sa'kin noong mga nakaraang araw.

"Woy, kamusta prod n'yo?" tanong ni William, isa sa mga kasama ko sa creative team.

"Wala pa kaming natatapos, nagsisimula pa lang," sagot ko bago ako sumubo ng lumpiang isda.

"Mukhang sila Nancy na naman ang mananalo, I heard gusto n'ya ang choreographer n'yo," sabad ni Cheska na nasa tabi ni Marco.

"Sabi kasi sila dati 'yong magka-tandem, pero alaga kasi ni madame si Jake. Lahat yata ng prod ni Jake s'ya ang choreographer," ani Marco. Kumuha ito ng isang lumpia at nilagay sa plato ko.

Shit! Ang gentleman naman n'ya.

Susubo pa lang halos ako nang makita ko ang phone ko. Mag-a-alas tres na. Maya-maya aalis na kami.

Napatulala ako sa phone ko. Naalala ko 'yung Mongoloid na nakaka-text ko. Hindi na s'ya ulit nag-text. Siguro busy s'ya. Kahit itanggi ko sa sarili ko, hindi ko maikaila na nami-miss ko ang kakulitan n'ya.

Naagaw ang atensyon ko ng mga kasama ko. Mukhang tumahimik ang mga ito, pero parang excited naman ang mga girls.

I ignored them. Kinuha ko ang lumpiang inilagay ni Marco sa plato ko. Kakagatin ko pa lang sana ito ng may kamay na humatak sa braso ko.

Ano ba naman!

"Ano ba? Natapon tuloy, ang sarap pa naman ng lumpiang 'yun!" iritable kong sabi.

Hinarap ko ang may ari ng kamay na iyon at halos malaglag ang eyeballs ko. "Anong ginagawa mo rito?" Binawi ko ang braso ko sa kan'ya.

Prente naman ito sa pagkakatayo sa harap ko. Animo napakagwapo n'ya sa ginagawa n'ya. Inirapan ko s'ya. Kukuha pa sana ko ng lumpia nang magsalita s'ya. "'Di ka pa ba tapos kumain? Anong oras na?" Tumingin pa s'ya sa relos n'ya tapos ay itinukod n'ya ang kanang kamay n'ya sa lamesa upang magkatapat ang mukha namin.

Bwisit talaga!

"Wow! For your information, kakasimula ko pa lang kumain." Inirapan ko s'ya at akmang susubo ulit, pero pinigilan na naman n'ya ko.

"Male-late na tayo. Ano ba?" medyo iritable na s'ya. Tahimik na tumingin na lang sa'min ang mga tao sa paligid. Parang nanonood sila ng live show

"Ano ba naman. Wala pa namang alas tres, oh. Alam mo namang lagi kaming nahuhuling kumain. Palibhasa artista kayo kaya nakakakain kayo sa oras." Ngumuso ako sa kan'ya. I hope he'll feel guilty, pero hindi.

Namaywang ito sa harap ko. Cool na cool na nagsalita s'ya. "Alam mo, naka-ready na ang lahat. Ikaw na lang ang hinihintay. Huwag ka ng magpa-VIP d'yan, hindi bagay sa'yo." Tumalikod na s'ya sa akin at tinungo ang pinto. Hindi ko sana s'ya susundin pero nagsalita ulit s'ya. "Susunod ka ba o bubuhatin pa kita?"

Siraulo ba 'to?

Luminga ako sa paligid at nakita ko ang magkakahalo nilang reaksyon, may gulat, may kinikilig, may naiirita, at may nangingiti na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now