Chapter 5

59 19 0
                                    

Production Number

Halos pagsukluban ako ng langit at lupa sa katotohanang ang Jake Antonio na sinasabi ng mga kaibigan ko at ng babaeng haliparot ay ang hambog na lalaking feeling boss. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi ko na alam kung paano ako naka-survive ng araw na iyon. Umuwi ako na lupaypay ang buo kong pagkatao. Yes. Buong pagkatao, pagod ang katawan ko dahil sa trabaho at maging ang isip at emosyon ko ay apektado rin.

Mayabang ang hambog. Kaya naman pala makautos artista pala ang hinayupak! Pero hindi ako papatalo. Hindi porque artista s'ya ay may karapatan na s'yang alilain ang mga nasa paligid n'ya.

Tulad ng dati ay padabog akong pumasok sa loob ng bahay. Ibinalibag ko nalang ang bag ko sa sofa at tinungo ang kusina. Maaga akong kakain nang maaga rin akong makatulog.

Nag-text sa'kin si Bella kanina. Thank God at nilinis naman nila ang bahay.

Nahiga na ako bago matapos mag-half bath. Napagod ako kaya naman gusto ko nang matulog. Tangkang papatayin ko na ang ilaw ng mag-beep ang phone ko. Agad kong sinuot ang salamin ko at binasa kung sino ang nagtext.

Mongoloid

Miss sungit nakauwi ka na? Nakakapagod ang araw na ito.

Me

May pangalan ako.

Mongoloid

Ow! Sorry na. Ang sungit mo kasi, nasanay tuloy ako. By the way, are you home?

Me

Hindi ako masungit. I just don't talk to strangers.

Mongoloid

Let's be friends then. I know your name, and so you are. We are not strangers anymore. 😉

Me

Hay. Ang kulit mo naman eh.

Dumapa ako sa kamay at itinaas patalikod ang mga paa. Hindi ako makapaniwalang hinihintay ko ang reply n'ya. In fairness naman kasi, mukha naman s'yang mabait.

Mongoloid

Sa'yo lang ako makulit. And that's because I'm comfortable with you.

Binasa ko ulit ang message n'ya. Talaga ba? He's comfortable with me?

Me

How's that? Hindi pa mo nga ako kilala.

Mongoloid

I know you. You're Maui, di ba? Hahaha

Me

Pilosopo.

Mongoloid

Just kidding. Just wanna make you smile. Para 'di ka na magsungit.

Napangiti ako sa text n'ya. Hindi ko alam kung bakit parang magaan ang loob ka sa kan'ya. Buti pa itong Jake na'to mabait at palabiro, yung Jake na kilala ko, masama ang ugali at feelingero.

Teka! Bakit ba kinukumpara ko sila? Hay!

Mongoloid

Nawala ka na. Hey, nakauwi ka na ba?

Me

Yes. I got home kanina pa. Matutulog na sana ko eh. You?

Mongoloid

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now