Chapter 2

72 20 0
                                    

Photocopy

Hindi ko alam kung paano ba 'ko nakabalik sa kuwarto ng creative team. Nakakairitang isipin na may mga feeling boss sa lugar na ito. I can't understand it. Paano tumagal si Ate Maurice sa lugar na ito. Hay. Porque ba gwapo dapat nag-uutos na? Teka ano ba 'tong naiisip ko? Hindi naman s'ya gwapo, neat lang tingnan.

Pinatong ko sa table ni Sir Ash ang kape n'yang ipinatimpla. Inirapan n'ya ko matapos n'yang tanggapin iyon.

"Makisama ka sa kanila para matuto ka, kung may iuutos sila ay sundin mo, understand?" Mataray n'yang sabi sakin.

Agad akong nataranta. "O-Opo sir Ash," sagot ko sabay yuko upang hindi ko makita ang reaksyon n'ya. Naramdaman kong tumalikod s'ya, matapos ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Nakahinga ko nang maluwag matapos masulyapan na lumabas ito sa kwarto. Agad akong tumabi kay Marco. Nagsusulat sila sa manila paper

"Ano 'yan?" Itinuro ko ang ginagawa nya. Maganda ang pagkakasulat n'ya rito. Binasa ko ito at napag-alaman na tally sheet ito.

"Tally sheet. Para 'to sa isang segment mamaya. Dito isusulat 'yung mga scores ng kasali, ito rin ang babasahin ng mga hosts 'pag nag-announce sila ng scores at winners." Inilupi n'ya ang natapos na manila paper.

"We have monitors right? Bakit hindi 'yun gamitin? Or white board instead? Super traditional naman ng manila paper," komento ko habang binabasa ang kinokopyahan n'yang nakaimprenta sa short bond paper.

"Well, speaking of monitor or prompter, hindi naman natin masusulatan iyon, besides mahihirapan kung magta-type pa ulit tayo, usually kase naka-program na or naka-type na ang script ng mga hosts, bale itong ganito na lang ang binabago daily. Kung white board naman, as you can see, limang grupo ang kasali, so we need lots of white board, at sa harap ito ginagamit. If we'll analyse makakaharang pa ito sa panonood ng mga audience dito sa studio." Inilupi n'yang muli ang huling manila paper at inilagay sa folder. Ipinatong n'ya ito sa long table kasama ng iba pang props na gagamitin mamaya.

May point s'ya. Ganito pala sa back stage. Iba kase 'pag nanonood ka lang sa TV. All you can see are the hosts and artists. Hindi makikita ang ibang bagay sa likod ng camera. Behind the scenes sabi nga nila.

Buong oras akong nag-observe. May naka-assign sa rehearsals sa harap ng camera, may nag-re-rehearse naman sa mga kasali sa bawat segment ng show, may nagpi-print ng script, may nag-a-asist sa mga hosts, may nag-pe-prepare ng mga papremyo, may nag-aayos ng props, lights and sound system at kung ano pang technical issues, may nagbi-briefing sa studio audience, at kung anu-ano pa.

Saan kaya ako magpupunta? Kahit saan 'wag lang sa harap ng mga hosts, may possibility na makita ako sa camera 'pag ganun. Nakakahiya.

Naputol ang pag mumuni ko nang tawagin ako ni Sir Ash. S'yempre, para na namang hinahabol ng kabayo ang puso ko. Nakakatakot. Sana 'wag akong pagalitan.

"Sir Ash?" Sinubukan kong maging natural pero nabigo ako. Nahalata ang kaba ko sa pagkabasag ng boses ko.

"Para namang takot na takot ka. Nakakatakot ba ko?" Umirap s'ya sakin.

Hindi po, nakakatrauma! Daig ko pa nasa horror movies 'pag nasa harap ko kayo! S'yempre, hindi ko naisa-tinig iyon. Natatakot pa rin ako sa kan'ya.

"Ay sir, hindi po. Medyo nakainom lang ako ng malamig kaya gano'n po." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal o nabulol man lang.

"Oh heto!" I iniabot n'ya sa akin ang isang folder.

"Sir ano po ito?" Napakunot ang noo ko sa pagtataka.

"Shunga talaga. Folder. Di mo ba nakikita?" He sounds sarcastic.

Oo nga folder 'to! Sarap ihampas sa 'yo!

"I mean, what is this for?" Napakamot na ko ng ilong sa pagkairita.

"Nasa guest room si Ivy, nagbi-briefing ng mga kasali sa cooking contest mamaya. Dalhin mo 'yan, 'yan 'yung script na gagamitin sa segment na 'yon." Itinaas n'ya ang kaliwang kamay n'ya at itinaboy ako gamit ang pagwawagayway nito. Wala akong choice kun'di ang sumunod sa utos n'ya.

Kun'di lang dahil kay ate Maurice 'di ako magtyatyangang magstay dito. Baka ako na mismo ang nag-resign. Hay!

Nahanap ko naman agad ang guest room. Inaral ko pa muna ang sasabihin ko bago ko ibigay ang photocopy ng script na gagamitin n'ya. Sumandal ako sa pinto at bumwelo. Inhale. Exhale. Akma na kong papasok ng may nagmamadaling nagbukas ng pinto mula sa loob ng kwarto. Natumba ako matapos akong iluwa ng pinto. Tumama ang mukha ko sa sahig.

Shit! Ansakit! Sino ba 'yun?

Isa-isa kong pinulot ang photocopy na dala-dala ko. Medyo masakit ang parte ng noo ko. Mukhang nagkabukol iyon.

Inayos ko ang salamin ko saka napatayo upang harapin kung sino man ang bwisit na nagbukas ng pinto.

"Ano ba! Bakit mo binuksan?" Naagaw ko ang atensyon ng mga tao sa loob. Hinarap ko ang lalaking iyon at dumoble ang pagkairita ko nang makita kung sino iyon. Nakamot ko ang aking ilong. God! S'ya na naman? What the hell is wrong with my day? Sinisira n'ya ang araw ko!

"I was about to go out, kaya ko binuksan," kamapanteng sagot ng lalaki.

"Wow! That's a very nice answer." Pumalakpak ako at mapaklang ngumiti. "It's obvious na lalabas ka, kase hindi mo naman bubuksan 'yan kung 'di ka lalabas!" Namumula na ang pisngi ko sa inis. Kahit 'di ko nakikita ay ramdam ko iyon.

"Alam mo naman pala, why you need to ask?" Kumibot ang gilid ng kan'yang labi. Sarkastiko s'yang ngumit.

Nakakainis!

"What? You would ask that? Hindi mo ba alam na may tao, or kung hindi nga there is a possibility na merong tao sa labas? Paano kung nabagok ang ulo ko, ha?" I tried to come closer. I can see the amusement of people's faces around us. Lahat sila ay laglag ang pangang nakamasid sa amin.

"Hey miss, who told you to lean behind that fucking door? Wala naman, 'di ba? Bakit kase sasandal-sandal ka d'yan, hindi mo ba naisip na may lalabas? Hello, pintuan, oh?" Nagsisimula ng mairita ang boses nya.

"Wow! So kasalanan ko pa? Malay ko bang lalabas ka? Ako na nga tong muntikan ng mabagok ako pa ang mali?" Tinaasan ko s'ya ng boses kasabay ng pagtaas ko ng kilay.

Tumawa sya ng malakas. At may time pang tumawa 'tong unggoy na ito?! Kapal talaga!

"Hey miss, hindi ko alam kung anong ipinaglalaban mo. Hindi! I don't know you, so please makikiraan, nakaharang ka kasi." Hinawi nya ang bangs n'ya at ngumiti.

Hambog! Yabang talaga!

"Hoy mister! Wala akong pakialam kung hindi mo ko kilala, at wala akong balak magpakilala sa'yo! Besides, hindi rin naman kita kilala so it's a tie! Hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito!" Nanlaki ang mga mata niya maging ang mga taong nanonood sa eksena namin. Lahat sila ay parang 'di makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"What? 'Di ka makapaniwala? Excuse me, mister! I am here because of this!" Ipinakita ko ang folder na hawak ko. "I came here for Ivy, Sir Ash asked me to give this." Nilihisan ko s'ya at nagdiretso sa kinaroroonan ni Ivy na tulala pa rin sa nagaganap. Iniabot ko iyon sa kan'ya. "Sir Ash asked me to deliver this, kailangan mo raw ito para sa briefing. 'Yun lang. Mauna na ko." Tinalikuran ko si Ivy na tulala pa rin.

What's wrong? It seems like they are all amazed. Nakakagulat ba na andito 'ko dahil dapat nagpi-print lang ako?

Akma na 'kong lalabas pero nakatulala pa rin ang lalaki sakin. His stare is full of disbelief.

Anyare sa mga tao rito? Makaalis na nga. Mga naka-high.

Tinungo ko ang pinto at tuluyan nang lumabas. Inayos ko ang mga gamit ko. Alas onse y media na. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang programa.

Inihanda ko ang sarili ko para sa pag-oobserba at para na rin sa biglaang utos ni Sir Ash. Bago pa magsimula ay isang malalim na hininga ang pinawalan ko.

Sana hindi ako pumalpak.

A.N.
Hello there! Thanks for continuing reading. God bless! Hope to see you on the next chapters. ♥️



NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now