Chapter 4

63 20 0
                                    

Lollipop

Maaga pa rin akong pumasok kinabukasan. Iniwanan ko ang mga kaibigan kong naghihilik pa. Nag-iwan na lamang ako ng note para hindi nila ko hanapin kapag nagkataon.

Ipinarada ko ang kotse ko, este kay ate pala. Bago pa ko tuluyang makababa ay nag-vibrate na iyon. Inalis ko ang seatbelt ko at binasa kung may importante bang nag-text. Napakunot ang noo ko ng mapagsino iyon.

Mongoloid

Good morning miss sungit. I just wake up. Gising ka na? :^)

Tama. Mongoloid ang pangalan nya sa phone ko. Mongoloid naman kase talaga s'ya.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad habang nagtatype.

Me

Morning. Andito na ko sa trabaho.

"Good morning, Miss Maureen," bati sa'kin ng madaldal na si Kuya Lando.

"Good morning po, Kuya Lando. Maureen na lang po." Nahihiya ako pero nginitian ko pa rin s'ya. Matapos noon ay nilagpasan ko na s'ya. Baka mapahaba na naman ang kwento nya eh.

Naagaw ang atensyon ko nang nag+vibrate muli ang cellphone ko.

Mongoloid

Ang aga mo naman, Miss Sungit. Ako pabangon palang. Hehe

Tiningnan ko ang wrist watch ko. 7:30 na ngayon pa lang gigising. Wala ba syang trabaho?

Me

I'm not miss sungit. I have my name.

Mongoloid

Hey. Masungit ka talaga. Sabi ko naman sa'yo wag kang masyadong masungit eh. Ikaw rin. 8-)

Napakamot ako ng ilong. Hindi ako sanay makipag-text sa hindi ko kilala.

Me

Shut up! Kaaga-aga eh. D'yan ka na nga. May trabaho pa ko.

Mongoloid

Hey. Tell me your name first.

Me

Ayoko.

Mongoloid

Please? Please?

Hindi ko na sya pinansin pero sunod-sunod ang pag-send n'ya ng parehong mensahe. Hay. Ang kulit talaga.

Me

Fine. I'm Maui. 'Wag ka ng makulit, okay? May trabaho ako.

Mongoloid

Beautiful name. Sige Maui. I'll text you later. Gagayak na rin ako. I have my work. Bye. ♥️♥️♥️

Naiiling akong pumasok sa aming working area. Nandoon na sina Ivy at Marco. Nagsusulat si Marco sa kan'yang notebook habang nagpi-print naman si Ivy.

"Good morning." Ngumiti ako sa kanila. Ibinaba ko ang aking bag sa isang drawer na lagayan ng mga gamit namin. Lumapit ako kay Ivy. "May maitutulong ba ko?"

"Ah, wala na. Matatapos ko na rin ito. Aaralin ko kasi." Inayos nito ang mga naimprentang papel at ini-staple iyon. Naupo s'ya sa tabi ni Marco sa mahabang lamesa. Parang maputla s'ya.

"Ah ganun ba?" Nakamot ko ang noo ko. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tapat nila. "Wala yata si Sir Ash?" Luminga-linga ako baka namamalikmata lang.

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon