Chapter 7

46 20 0
                                    

Touch Move

Jake's POV

Nandito ako sa bar na madalas naming pagtambayan ng mga kaibigan ko. Nakaupo ako at sumisimsim ng brandy. Im' waiting for Vandamme, my best friend, artista rin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa babaeng iyon. She's the only girl who doesn't know me at all. First time kong tarayan ng isang babae. Usually, hindi pa ko nagsasalita halos maihi na ang babaeng kaharap ko dahil sa kagwapuhan ko, pero s'ya hindi man lang kilala 'tong mukhang 'to?

Napapailing pa rin ako 'pag naiisip ko 'yung nangyari kanina. Fuck! Napahiya ako do'n! Akala ko wala talaga s'yang talent kasi mukha naman s'yang walang kwenta, pero puta! Ang ganda ng boses n'ya, ang galing pang maggitara. Natulala ako, aminin ko man o hindi, she's great.

"Hey! Kanina pa ko nagsasalita rito. What's wrong, dude?" Nagulat ako ng kumakaway-kaway si Vandamme sa harap ko.

Fuck! Bakit 'di ko s'ya napansin?

"What's up, dude? Buti wala kang shooting?" I tried to divert his attention. Makulit itong taong ito, eh.

"Well, kagagaling ko lang from a photoshoot in Tagaytay. Ikaw? Buti free ka tonight?" Kinuha n'ya ang baso na nilaan ko para sa kan'ya at nagsalin ng brandy.

"May shooting sana ko today, na-postpone lang because direct has an emergency." Inilupi ko ang long sleeves ko at sumandal sa couch na inuupuan ko.

"That's nice, huh? Kamusta ang first week mo sa noon time show mo? Marami bang chicka babes?" He gives me a wide smile. Chickboy talaga.

"Wala naman, all of them seems ordinary." Nagkibit balikat ako at sumisim ng brandy.

"I don't believe you dude, I read from the article, may rumor na nagkakamabutihan na kayo ni Nancy." Tinapik tapik n'ya ang balikat ko at nilagok ng isang lagukan ang alak na hawak n'ya.

"Hell no! What you're seeing there is part of the show," dipensa ko.

"Hey dude! Don't get me wrong, she's beautiful and fucking hot. Hindi mo type?" Hindi s'ya makapaniwala. Well, kahit ako ay 'di makapaniwala. Ngayon lang ako umayaw. Sa mundo ng showbusiness, halos lahat ng babae nagugustuhan ako, hindi naman nakapagtataka, I'm damn hot, talented and handsome. Lahat gusto akong makasama, except lang sa babaeng iyon.

"Hey! Natulala ka na naman? May problema ba?" Nanunukso na ang tono n'ya.

"Nothing. Just don't mind me." Nagsalin ulit ako ng brandy at ininom iyon ng isang tunggaan.

"This is you first time to be like that. Hindi ka naman usually natutulala lang. Let me guess, babae?" He smirked.

"What the fudge? Bakit mo naman naisip 'yan?" I looked at him with disbelief.

"Kahit stressed ka sa trabaho, or may ka-fling ka, hindi ka natutulala, dude. This is the first time. So sino s'ya?" Dumikit s'ya sakin.

Fuck! I'm doomed.

"Alam mo nag-iimagine ka lang." I tried to avoid his eyes.

"Hey! I know you so well. We've been best friends since high school. Hindi mo sasabihin or I'll send your epic pictures to your fans and haters?" Paghahamon n'ya. Mautak talaga 'tong gagong 'to.

"Fuck! Fine. But, I'm warning you, don't laugh nor overthink." I glared at him.

"Okay, dude." Itinaas n'ya ang kamay na parang sumusuko.

"Okay. It's first in the history dude. There is this girl na hindi ako kilala," I started.

"What?! Are you kidding?" Tumawa ito ng malakas. Binigyan ko naman s'ya ng warning look at ikinuwento ko sa kan'ya mula sa unang beses naming magkita hanggang sa nagyari kahapon. He just ended laughing.

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now