PROLOGUE

168 27 12
                                    

"Hoy! Maureen! Gising na! Tanghali na!" binulabog ako ng ate ko.

"Ate naman, eh. Ang aga-aga pa eh. Istorbo ka!" Tinakpan ko ng unan ang aking ulo para matago ang mukha ko.

"Anong istorbo? Alam mo ba kung anong petsa na?" Kinuha n'ya ang unan sa mukha ko dahilan para lumitaw ang gusot-gusot kong buhok na nakatabing sa mukha ko. Napakamot ako ng ilong sa iritasyon.

"Ano ba, ate? Can't you see I'm damn sleeping? Besides nakalimutan mo na ba, two weeks na kong nagbabakasyon. Wala na kaming pasok. Hello! Graduate na ko." Dumapa ako sa aking kama upang ituloy ang tulog ko.

Yeah. I'm done with my degree. Mass communication. Not by choice. Napilitan lang. 'Yon ang gusto ni ate. Since sila ng asawa n'ya ang nagpaaral sakin, I have no choice. Tinapos ko ito with flying colors kahit pa labag sa loob ko ang pagkuha noon.

"It's Monday. May lakad tayo. Did you forget it?" she sounds irritated. Nagsimula nang tumaas ang boses n'ya. Nilingon ko s'ya at napakunot ang noo ko.

Tinaasan n'ya ako ng kilay. "So you forgot? Today is your interview. Ngayon ang punta natin sa studio!" Tuluyan nang naputol ng pisi n'ya nang ibato n'ya ang unan sa likod ko.

"Hay! Ano ba naman ate. I told you, I don't want to be there. Hindi ko gustong magtrabaho sa isang noon time show!" nilakasan ko na rin ang boses ko. Oo, ganito kami araw-araw. Nagbabangayan. S'ya na ang nagpalaki sa'kin simula nang mamatay ang parents namin sa isang aksidente kaya naman parang si mama na rin s'ya kung umasta sa'kin.

I rolled my eyes. Napilitan akong tumayo. Ayoko talagang magtrabaho sa noon time show na 'yon. Bukod sa hindi ko naman talaga gusto ang magtrabaho sa kahit anong tv programs dahil sa ayoko naman talaga ang mass communication may iba akong gusto. I want to teach. Gustong gusto kong magturo. Kaso wala akong choice.

"Bakit hindi ka pa maligo? Quarter to eight na, we suppose to be there by nine!" sumisigaw pa rin s'ya.

"Grabe, ate. Nakalunok ka ba ng megaphone? Ang lakas ng boses mo. Sabi ko naman sa'yo humanap ka na lang ng ibang kapalit mo, I'm not interested." walang gana kong sabi habang inaayos ang kama ko.

"I told you also that I'm in contract. Buti nga at napakiusapan ko ang management na ikaw ang pumalit sa 'kin. This will be a big break for you. Number 1 ang noon time show na 'yon." Nakapamaywang na s'ya at halatang iritado na sa'kin.

"Bakit ba kase hindi mo pa tapusin ang kontrata mo bago kayo pumunta ni Kuya Ivan sa America?" Kumuha ako ng damit na maisusuot sa closet. Ipinatong ko ito sa kama.

"Pagtatalunan na naman ba natin 'to, Maureen? We need to personally take care of our business there. Na-postpone na nga 'yon ng ilang ulit, eh. Besides, we need to settle there for good. Susunod ka naman doon after you finish my contract." Akma na syang tatalikod sa akin.

"With your money, pwedeng pwede mo namang bayaran na lang 'yung TV network," pahabol ko kaya napalingon s'ya sakin.

"Kung may mahahanap lang agad-agad na qualified at mapagkakatiwalaan, 'di ba? Saka may palabra de honor naman ako, nakakahiya. After what they did and gave to me, 'di ba? Tiis na lang muna, please. Isang taon na lang naman. After that you can do what you want. You can go to States or teach there," mahaba n'yang litanya before she goes straight to the doorways.

Malalim na buntong hininga ang pinawalan ko. Wala akong choice. "As if I have a choice." Naglakad ako patungong banyo.

"One more, Jake Antonio is now part of the show. Magsisimula s'ya bukas." excited n'yang sabi. Hinawakan n'ya ang doorknob at akma nang lalabas.

"And who the hell is he?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"My gosh! Manood ka kase ng TV minsan, hindi puro libro ang hawak mo! He is one of the hottest, talented and famous actor in the Philippines. Napakagwapo n'ya," kinikilig pang sabi ni ate.

As if I care!

"I don't care. That won't make my job interesting." I closed the door before she would answer. Napakadaldal n'ya. Kun'di ko lang s'ya ate. Hay!

Lord, please be good to me.

A.N. Thank you for reaching this part. Hope you continue reading this. Don't forget
to follow, vote, and recommend.

God bless. 😘

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ