Chapter 3

56 20 0
                                    

This chapter is dedicated toGenelyn Jing Salvador

Unknown Number

Pagod na pagod akong umuwi sa bahay. Sa loob ng maiksing oras na nag-obserba ako ay hindi ko inaakalang mapapagod ako ng ganito. I feel so drained.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Ito ang unang araw na mag-isa ako sa bahay. Umalis na kasi sina ate. Now, I can be independent. Magagawa ko na ang gusto ko, I want to take units of education. Gusto kong magturo noon pa, kaya naman sa darating na sabado ay mag-i-inquire ako sa St. Bernadette College para sa units na kailangan ko.

Hay! Nakakapagod!

Pero I enjoyed my stay there because of my new companion at work. Lalo na si Marco. Napakabait nito at maalalahanin. He's even handsome and hot. Kaya lang mukhang nerd. Sayang!

Biglang kumunod ang ulo ko nang maalala ko ang mayabang na lalaki kanina. Ito ang sumira sa araw ko kahit na hindi naman talaga ito kagandahan dahil sa labag sa loob kong pagpasok bilang staff.

Bwisit na 'yun! Akala mo boss! Paepal! Sayang may itsura pa naman. Hindi gwapo pala s'ya. Kaso nga lang masama ang ugali.

Napanguso ako sa naisip ko. Akala ko pa naman lahat ng tao roon ay mababait, kala ko magiging maayos ang pagtatrabaho ko roon. Hay. Nakakainis. Paano 'ko tatagal sa lugar na iyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata. I want to rest for a while. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa pagod at sa sobrang pag-iisip.

Nagising ako mag-aalas otso na ng gabi. Hindi ko napansin na nakatulog ako ng nakasalamin. Agad akong nagpunta sa kuwarto at nagbihis. Bumalik ako sa sala at kinuha ang phone ko.

Ilang minuto pa ay natagpuan ko na ang sarili ko sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain. I am hungry. I looked for food inside and felt disappointed. Walang pagkain.

Ano ba yan? Nasanay yata ako ng may tagaluto.

Yeah. Nasanay ako na pinagluluto ni ate or ng maids. Pero dahil wala na sila hindi ko na rin ginusto pa ng katulong sa bahay. Kung tutuusin ay hindi naman kalakihan ang bahay na ito. 'Yong bahay nila sa Batangas ang talagang malaki at maganda.

Kumuha ko ng hotdog at bacon sa fridge. Marunong naman akong magluto, natuto ako sa St. Bernadette College nang high school kaya naman masarap akong magluto kahit na papaano.

Wala akong choice, ito na muna. Gutom na gutom na ko, eh.

Nagprito ako ng hotdogs at bacon. Kumuha ko ng tasty bread at tinoast iyon. Nagtimpla rin ako ng kape habang hinihintay na maluto ang niluluto ko.

Natuwa ako nang maluto na ito. Inilagay ko ang tinapay, hotdog at bacon sa plato. Umupo ako sa high chair na gawa sa kahoy sa center island ng kusina. Ipinatong ko ang pagkain ko at nagsimula nang kumain.

Wow! Ang sarap talagang kumain.

Hindi ko pa napapangalahati ang pagkain ko ay tumunog na ang doorbell. Padagbog akong tumayo at tinungo ang main door ng bahay.

Hay! Gabing gabi na, sino naman kaya ang magdo-doorbell ng ganitong oras na?

Binuksakln ko ang pinto at halos mabasag ang eardrums ko sa magkakasabay na sigaw ng mga kaibigan ko. Sina Bella, Rocean at Aira.

"Gabi na, ah. Bakit andito kayo?" Napayuko ako sa tanong ko. Hindi naman sa ayokong nandito sila. Gusto ko lang magpahinga at hindi ko iyon magagawa ng andito sila.

"Grabe parang gusto mo na kaming paalisin hindi mo pa nga kami pinapapasok." Umirap si Rocean sa akin.

"Oo nga, hoy babae, first night mo sa bahay mong mag-isa kaya naisip namin mag-sleep over. Baka hindi ka pa sanay," banat naman ni Aira na dumiretso na sa loob. Sumunod naman ang dalawa rito kaya naman wala akong choice na nagpatianod na rin.

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now