CHAPTER 1

120 22 0
                                    

Kape

"Bella, andito na 'ko. Oo, kararating ko lang." Inayos ko ang suot kong eye glasses habang hawak ang cellphone ko at kausap ang kaibigan kong si Bella. Classmate ko s'ya sa St. Bernadette noong high school. That time, hindi kami close but when we entered college at naging magkaklase sa ibang general subjects ay naging ka-close ko sila nina Aira at Rocean. That was when we started our friendship kahit na opposites kami, they we're noisy ang bubbly habang ako ay seryosong-seryoso sa buhay. Kalaunan, nahawa na rin ako sa kaingayan at kagagahan nila.

"Kamusta naman? May mga artista na ba? Nand'yan na si Jake?" she sounds excited.

"Have you forgotten? I'm here because of work?" seryoso kong sabi.

"Naku naman Maureen! Nagtatanong lang naman ako. Baka makita mo, 'di ba? Sabihin mo sa'kin kung gwapo nga," mahaba nyang sabi. Nailayo ko ang aking cellphone sa aking tainga.

"Bella, I'm here because of work, remember that. Saka isa pa, 'di ko kilala 'yung Jake na iyon." Umirap ako kahit na hindi naman n'ya makikita iyon.

"In case lang naman na makikita mo,"  pagpupumilit n'ya sa kabilang linya.

"Naka-move on ka na kay Mike, te?" pag-iiba ko ng usapan.

"Magkaiba yun no! I'm just a fan. Iba yung feelings ng fan sa feelings ko kay Mike." Umismid s'ya at biglang tumawa rin sa huli.

"O sya, sige na. Papasok na ko. I don't want to ruin my first day 'pag na late ako." Tiningnan ko ang watch ko

"Ang aga pa naman. Pero sige. Basta balitaan mo 'ko, ha?"

"Oo na. Sige babalitaan na lang kita." Pinatay ko na ang linya bago pa s'ya makasagot at mangulit ulit.

Nahinto ako sa back entrance ng studio. Malaki ito at kulay gray ang pintura ng walls nito. Makikita ang loob nito dahil sa malaking sliding door. Nakahilera ang kulay asul na mga upuan na nakadikit sa pader.

This is it! Just one year Maureen! Kaya mo 'to.

Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang aking skinny jeans at black loose shirt. Hinagod ko ng konti ang mahaba kong buhok. Medyo brown iyon kahit hindi ko naman pinakukulayan. Medyo wavy ito. Sabi ng mga kaibigan ko sa St. Bernadette College ay ito ang pinakamaganda sa'kin. Well, siguro nga.

Inayos kong muli ang aking eye glasses na makapal pa sa kutsara namin at malaki pa ang circumference sa bola ng table tennis. I take a deep breath saka tuluyan nang pumasok sa loob.

"Good morning! Bago ka rito?" bati sa akin ng guard. Pinasadahan ko s'ya ng tingin. Mga nasa mid 40's na siguro ito. Medyo dark at medyo kulubot ng ang balat. He smiled genuinely. "Santos" ang nakataktak sa kanang dibdib ng kanyang uniform. That is maybe his family name. "Ako nga pala si Lando, Kuya Lando na lang ang itawag mo sa'kin." Bumalik ako sa kasalukuyan matapos n'yang ikaway ang kamay sa mukha ko.

Shocks! Ang daldal naman ni Manong!

I don't hate noise. Hindi lang talaga ko sanay sa ingay. Even during school days hindi ako nag-iingay. Nasanay na lang ako kina Bella kalaunan.

"Ah, Maureen po. Ako po 'yung kapalit ni Maurice. Bago po." Yumuko ako ng konti at ngumiti nang pilit.

"Ah! Ikaw pala 'yung kapatid ni Maurice!" He widely smiled. So kilala n'ya si Ate? Sabagay, madaldal si ate, so I'm sure lahat kinakausap n'ya rito. Ngumiti ulit ako kay Kuya Lando.

"Magkahawig kayo, mas maganda ka nga lang. Kaso mas maayos manamit at pumorma ang ate mo, saka walang makapal na salamin." Tumawa si kuya Lando.

Nairita ako ng konti. So matapos mo kong purihin, lalaitin mo ko? Sarap mo yatang kutusan.

NBST (St. Bernadette College- Maureen) (On HOLD)Where stories live. Discover now