Paano kung pag gising mo nasa ibang panahon kana at nasa ibang katauhan? Ganito ang nanyari kay Melissa na isang nurse na nangangarap maka pagtrabaho sa america. Matutupad na sana ang matagal niyang minimithi ng isang iglap ay nagbago ang lahat. Dahil sa paggising niya ay napadpad siya sa taong 1941 at mapunta sa katawan ni Trinidad Dela Fuente na isang senorita sa panahon ng mga amerikano. Sa kanyang paglalakbay ay makikila niya ang isang amerikanong heneral na maaring may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid ni Trinidad. Ngunit mapaglaro nga ang tadhana dahil unti-unti narin na huhulog ang kanyang loob sa amerikanong heneral. Ngunit may isang lihim na kanyang matutuklasan sa kanyang paglalakbay sa nakaraan. At mararanasan din niya ang mga pangyayari sa pangalawang digmaang pandaigdigan. Ano kaya ang kanyang matutuklasan? At kakayanin kaya niyang lagpasan ang lahat ng kaganapan sa panahon ikalawang digmaan? Makabalik pa kaya siya sa hinaharap? O siya ay makukulong na sa nakaraan.