chapter 11

41 2 0
                                    

Chapter 11
Sumimsim ako ng mainip na kape at sinabayan ko ng biscuit. Pinagmasdan ko ang kabilugan ng buwan madaling araw pa lang siguro.

Mas maganda ang liwanag ng buwan sa panahon na ito kisa sa panahon ko kung saan marami ng polusyon.

Kailan kaya ako makakabalik sa panahon ko? Kamusta na kaya sila?

"Mukhang malalim ang iniisip mo, binibini"wika ng isang boses.

"Sino yan? Anong kailangan mo? "Tanong ko at unti-unti kung nakita yung nagsalita.

Hindi ako puwedeng magkamali siya yung frangco na jowa ni Trinidad.

"Mukhang kinalimutan mo na nga talaga ako mahal ko"nalulumo niyang tugon. Mukhang may LQ sila ni Trinidad ah.

"Bat ka naririto ng ganitong oras?"tanong ko.

"Nagbabakasakaling magkita tayo, matagal ka na kasing di lumalabas ng inyong tahanan simula ng namatay ang iyong kapatid"

"Medyo di pa kasi ako naka get over eh" nakaintindi naman siya siguro ng english.

Saka nasakop na tayo ng mga amerikano sa panahon nato.

"Ganon ba akala ko kasi ayaw mo lamang akong makita"wika sabay upo sa mahabang upuang kahoy kung saan ako umupo.

Ayos tung lalaki nato feeling at home.
Di ko pa nga inayang umupo.

"Bakit naman kita ayaw makita?"

"Nalimutan mo na ba? nung huling araw na nagkita tayo sa ating tagpuan. Ay araw na ako'y iyong hiniwalayan"malungkot niyang turan.
Yun ba yung huling eksenang nakita ko bago ako nagising kung ganon single na pala ako.

Ano ba yan akala ko pa naman magkakajowa na ako.

Jowa na nga, naging bato pa.

Oo nga pala engaged sila ni David.

Kung ganon di lang ako may jowa may afam pa ako.

"Ano't tila ikay tumatawa? May nakakatawa ba sa aking nasabi? Siguro nga't akoy iyong nakalimutan na at napalitan na niya ako sa iyong puso"

"Haah........anong pinagsasabi mo diyan. Paano naman kita nakalimutan may pumasok lang na funny memories sa utak ko yung mga araw na tayo pa"

At napalitan ng ngiti ang kanyang malungkot ng mukha. At least napasaya ko siya kahit di naman totoo yung sinabi ko.

Wala naman talaga akong naaalala na memories namin. Yung mga napanaginipan ko lang yung naaalala ko.

"Ganon ba mabuti kung ganon akoy nagagalak sa iyong sinabi" masayang wika niya at hinawakan ang mga kamay ko.

Hokage moves din tung si Frangco ah!

"Hehehehe...... hehehehe..... Ganon ba mabuti naman kung ganon at napasaya kita"sabay tanggal sa kamay niya.

Pinag masdan namin sandali ang buwan bago niya napagpasyahang bumalik na. Pero bago yun sinabi niya sa akin kung maaari ba daw kaming maging magkaibigan na lang.

Syempre sino naman ako para tumanggi di naman ako yung tunay na Trinidad edi pumayag ako.
At sa sobrang saya niya niyakap niya ako bigla iwan ko pero nung ginawa niya parang ayaw ko na siyang bitawan.

Feeling ko gusto ko lang manatili sa bisig niya pero tinulak ko siya agad baka isipin niya easy to get ako

no-no no

Dalagang pilipina toh

Ilang sandali lamang ay nagpaalam na siya kailangan na daw niyang umuwi dahil mag uumaga na.

Pumasok na ako at naiglip sandali. Sanay naman ang katawan ko magising ng maaga at naalala ko yung sinabi ni David na pupunta daw kami sa kampo niya para mamasyal at ipapakilala ako sa mga kasamahan niya.

I Travel Back in 1941حيث تعيش القصص. اكتشف الآن