chapter 8

19 2 0
                                    

Nakauwi na kami ni Guadalupe ng matiwasay, at nakapagpalit na rin ako ng damit pangtulog. Buti na lamang at abala sila ama't, ina sa aming mga negosyo kung hindi ay inabot na ako ng sermon at palo sa kanila ngayon.

Sinabi ko na rin kay Guadalupe ang lahat ng nangyari sa akin. At boung pagsisi at pagaalala siya sa aking sinapit. Makailang ulit nga siyang humingi ng tawad sa akin ngunit sinabi kung wag siyang mag-aalala pa dahil akoy ligtas dahil na rin sa tulong ng heneral. Sayang nga, at hindi man lamang ako nakapagpasalamat dahil sa takot na aking nararamdam ng mga oras na iyon.

Ngunit kung magkrus man ang aming landas muli, ay sisikapin kung makapagpasalamat sa kanya ng pormal.

Nagising ako sa tilaok ng mga manok at liwanag ng sikat ng araw at kasabay nito ay ang pagkatok ng pinto at pagpasok ni Guadalupe.

"Gising na po senorita! at ng kayo'y makapag agahan na!"

"Hanggang kailan ko ba? Sasabihin na wag mo na akong tatawaging senorita. Trinidad na lamang ang itawag mo sa akin"turan ko.

Ayoko kasing tinatawag akong senorita dahil na rin sa itinuturing ko siyang kapatid at kaibigan. At saka hindi masyadong ginagamit ang katawagang senorita sa panahong ito dahil na rin sa impluwensiya ng mga amerikano at unti-unting paglaho ng kinagisnang kulturang ipinasa ng mga espanyol. Unti na nga lamang ang marunong mag ngayon ng wikang kastila at kadalasang engles na itinuturo na wika.

"Hindi po kasi ako sanay at medyo naiilang ako na tawagin kayong Trinidad lamang"Nahihiyang sagot niya.

"Para sa akin ay isa kang pamilya at hindi tagapagsilbi kaya't tawagin mo na lamang akong Trinidad pagtayong dalawa na lamang" Masayang sagot ko. Ngunit hindi ko inaasahang iiyak siya dahilan upang akoy mataranta at dali-daling lumapit sa kanya at sinusubukan siyang patahanin.

"Guadalupe...., taha na wag ka ng umiyak. Bakit ka ba umiyak ha.....,?"

"Di ko po kasi lubos maisip na itinuturing niyo akong pamilya at hindi bilang tagapagsilbi"Mangiyak-ngiyak niyang tugon.

"Ano ka ba maliit na bagay para sa akin isa kang kaibigan at itinuturing ko na ring kapatid"

Nagyakapan pa kami bago napagdisisyunang mag-ayos at mag-agahan. Ngayon kasi darating aking ama't, ina kayat kailangan naming maghanda ng masasarap na mga putaheng kanilang paburito para sa kanilang pandating. Dalawang buwan silang namalagi sa hacienda namin sa San Antonio. Meron din kaming mga negosyo dito sa maynila pero kailangan parin naming asikasuhin ang hacienda.

Niluto ko ang mga paburitong putahe ng aking mga magulang katuwang ko sa paghahanda si manang Rosing. Niluto namin ang minudo, pancit palabok, kare-kare at puto para sa panghimagas na paburito ng aking ama't ina.

"Mukahang sabik na sabik na po kayo sa padating nila sen..., Trinidad"
Masayang turan niya at mukhang sinasanay na niya akong tawaging Trinidad dahilan upang akoy ngumiti sa kanya.

"Naman ito kaya ang mga paburito ni ama't ina. Sana nga ay magustuhan nila"

"Syempre naman po. Masarap ka kaya magluto"

"Wag ka na nga mag po, magkasing edad lang kaya tayo"

Pareho kami ni Guadalupe na bente dos anyos. Kaso sa edad na labing-siyam ay nanilbihan na siya sa amin dahil na rin sa kaharipan ng kanilang buhay at tustusan ang kanyang mga kapatid ay hindi na siya nakapag-aral. Ngunit ako ang nagtuturo sa kanya bilang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang tunog ng sasakyang paparating. Sa tingin ko ay pagmamay-ari ng aking mga magulang. Patungo ako sa aming beranda upang salubongin ang aking ama at ina.

"Trinidad Iha!!"masayang bati ng aking ina.

"Ina! Mabuti naman po nakauwi kayo"

Niyakap ko siya at nagmano bilang paggalang. Naka bistidang pula ang aking ina at nakalugay ang kulot niyang buhok.

"Aba syempre, I need to go home for my beautiful daughter"

"Tila nakalimutan na ako ng aking anak"nakasimangot na turan ni ama.

"Syempre naman po di ko makakalimutan ama"nilapitan at niyakap ko si ama at nagmano bilang paggalang.
Masuyo akong niyakap at sabay kaming tatlo pumasok sa loob. Pinagsaluhan namin ang mga hinanda kung pakain.

"Ang sarap naman ito anak"papuri ni ama.

"Pwede na mag-asawa ang anak natin"Biro ni ina.
Ngunit sa kanyang tuno ay parang totoo at may ipinahihiwatig.

Alam ko namang nakatakda na akong ikasal sa taong ni minsan ay hindi ko pa nakilala. At hindi ako lubos na sang-ayon sa kanilang kagustuhan ngunit wala akong lakas ng loob na tumutol.

"Mamaya nga pala anak. Mayroon tayong mga panauhin kayat kailangan natin maghanda"seryusong turan ni ama.

Panauhin, sino kaya ang mga panauhin namin?

"Opo ama"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please don't forget to click the 🌟 bottom. And please kindly share this story to your friends.

Saranghamida 😊😊😊




I Travel Back in 1941Where stories live. Discover now