chapter 6

22 4 0
                                    

Binaba kami ni mang Nestor sa isang beer house. At tinignan ko ng masama si Guadalupe, ngunit binigyan lang niya ako ng nakakalukong ngiti. Bakit naman sa dinami-daming puwedeng puntahang lugar dito pa niya naisipang dalhin.

"Guadalupe, anong ibig sabihan nito?"nakakunot noo kung tanong. Pero nginitiaan lang niya ako na maslalong kinainisan ko.

Akmang aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Senorita kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. Ngayon lang to pangako"pagmamakaawa niya.

"Guadalupe, naman eh alam mong ayaw ko sa mga ganitong lugar"inis na turo ko sa beer house.

"Pangako senorita, pagkatapos nito wala ng susunod at hindi na ito mauulit pa"nagmamakaawa niyang pakiusap.

Tinignan ko  ng mabuti ang lugar wala namang masama kung pagbibigyan ko siya di ba. Ang lugar ay puno ng mga amerikano at mga medyo kasing edad kong pilipino. Pero hindi ko talaga gusto na nagpupunta sa ganitong klaseng lugar.

Hindi rin naman ako mahilig uminon ng alak at hindi rin ako pala kaibigan kayat naiilang ako sa ganitong lugar.
Bumuntong hininga ako at humarap kay Guadalupe.

"Basta ito na ang huling punta natin sa lugar na ito at hindi rin tayo magpapa-gabi masyado. At hindi iinum ng masyadong maraming alak maliwanag ba"pagpa-paalala ko.

"Pangako, senorita"masaya niyang tugon.

Pumasok na kami sa loob at kagaya nga ng inaasahan mas maraming mga amerikanong nagiinuman sa loob. Na mas lalong nagbigay ng pagkailang na pakiramdam sa akin. Pilit ngiti lang ang tugon ko sa mga kalalakihang tumititig sa akin.

Marami din namang mga babae sa lugar. Pero lamang ang mga kalalakihan, samahan mo pa ng masmaraming bilang ng mga amerikanong sundalo.
Umopo kami sa isang counter ng bar na may roong barista. Na nakangiting lumapit sa aming gawi.

"Anong ma ipaglilikod ko mga binibini?"Malawak na ngiting tanong ng barista.

"Gusto namin ng masarap na inumin"sagot ni Guadalupe.

"Vodka, tequila, red wine"

"Red wine ang sa akin"singit na sagot ko. At tumingin siya sa gawi ni Guadalupe.

"Vodka ang akin"sagot niya.

"Okay, copy that. Enjoy your night ladies"nakangiting sabi nito at inasikaso na ang inorder namin.
Tumingin ako sa may dance floor kung saan nakikita ko ang mga grupo ng lalaki at babae masayang nagsasayaw habang tumutugtog ang orchestra.

Dumating na ang aming inumin. At masasabi kung masarap ang wine nila dito at mukhang kakaiba dahil sa lasa nito.

"ano sa tingin senorita sa lugar?"

"ayos lang naman"medyo hindi lang ako komportable. Pilit ngiti kung tugon.

"andito na tayo senorita. Ang dapat gawin na lang natin ay magsaya at kalimutan saglit ang lahat ng ating problema"suhestyon niya. Sabay lagok sa inom ng alak.

Dahil sa nandito na nga kami at wala na akong magagawa pa. At dahil wala naman kaming gagawin sa mansyon ay uminom na lamang ako at nagsaya. Saka minsan ko lamang ito gawin kayat bakit hindi ko na lamang sulitin.

Nakipag sayaw din ako sa mga kalalakihang naririto. Dahil na rin sa alak ay halos matumba na ako at medyo marami-rami na ang aking nainom. At hindi ko na makita kung na saan si Guadalupe.
May lalaking humawak sa aking beywang.

"Miss, do you wanna dance with me"bulong niya.

At hinarap ko siya, isa siyang sundalong amerikano basi sa kasoutan niya.

Hinawakan niya ako sa beywang at nararamdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay. Sinusubukan kung kumalas at magpumiglas. Ngunit ng dahil sa aking kalasingan ay halos hindi ko magalaw ng maayos ang aking katawan.

"Let me go!"sigaw ko at pagpupumiglas.

Ngunit pa rang bingi ang kaharap ko.

At hinatak niya ako palayo sa lugar at papunta sa isang sulok na walang tao. At nakaramdam ako ng pangamba at isinandal niya ako sa pader.

Mahigpit ang hawak niya sa aking mga kamay.

Gusto kong sumigaw at tumawag ng saklolo ngunit mayhawak siyang patalim na nakatarak sa aking tagiliran.

Pumatak ang mga luha sa aking mata ng unti-unti gumagapang ang kanyang mga kamay pababa.

I Travel Back in 1941Where stories live. Discover now