chapter 5

23 4 0
                                    

              [Memories of Trinidad]

Napaka sarap ng simoy ng hangin dito sa aming malawak na hardin. Lahat ng mga bulaklak, halamang gamot at iba pa ay tanim naming magkakapatid. Ito kasi ang aming libangan noon kaso ng silay naging abala sa kanya-kanyang propesyon na pinili ay naging magisa na lamang ako sa bahay. Hindi naman ako talagang nagiisa dahil kasama ko
ang aking tagapagsilbi ngunit tinuturing ko na ring kaibigan at kapatid si Guadalupe.

"senorita, mukhang nangungulila na naman kayo sa inyong mga kapatid"turan ni Guadalupe

"nagaalala lamang ako sa kanilang kalagayan"

Nangungulila nga ako sa aking mga kapatid. Sobra kasi kaming magka-lapit ng aking mga kapatid kahit sila pa ay mga lalaki at ako ay nagiisang  babae. Sila ang laging promoprotekta sa akin at lagi ko silang na sasandalan tuwing mayroon akong suliranin. Ngunit simula ng naging abala sila ay minsan ko na lamang sila nakakasama.
Si kuya Lucas ay isang magaling na abogado ngayon at tinutulungan niya sila ama at ina sa negosyo. Si kuya Delfin naman ay isang kapitan ng sandatahang lakas ng pilipinas at kasalukuyang nasa isang misyon sa malayong parte ng pilipinas. Naghahanda daw sila sa paparating na digmaan kayat siya ay masyadong abala. Dahil na rin sa kanyang katayuan sa militar.
Samantalang ako ay nasa bahay lamang at naghahanda bilang may bahay. Nakatakda na kasi akong ikasal sa isang lalaki na niminsan sa buhay ko ay hindi ko pa nakilala.

"senorita, wag na po kayo malungkot. Segi po kayo papanget kayo nyan"

"Oo na ngingiti na oh!"pilit ngiti ko sa kanya.

"oh! Di ba gumanda po kayo lalo. Para di na po kayo malungkot mamasyal na lamang po tayo, senorita"Paanyaya niya at hinatak niya ako papasok sa mansyon.

"Saan naman tayo pupunta? Guadalupe"

"Edi magliliwaliw tayo, senorita. Para di ka mabagot dito"

Dahil sa sobrang kakulitan ni Guadalupe ay wala na akong nagawa at sumama na lamang sa kanya.

At dahil na rin wala sa mansyon sila ama at ina dahil abala sila sa pagpapatakbo ng aming negosyo. At wala naman akong magawa at nakakaramdam lang ng lungkot. Ay napagdesisyunan kung sumama kay Guadalupe.

Ako at si Guadalupe ay nagbihis ng mga bestida na nauuso ngayon. Hindi kami nag sout ng traje de mestiza dahil hindi na rin ito uso sa panahon ko. Dahil na rin sa impluwensya ng mga amerikano ay bestida na ang mga uri ng aming kasuotan, parisan mo pa ng sumbrero at takong. Ang aking na piling kasuotan ay puting blusa at medyo may kahabaang berdeng palda at itim na sapatos na may takong. Medyo kulot din ang aking buhok na bumagay sa aking kasuotan.

"Ano Guadalupe, bagay ba sa akin?"tanong ko at pumaikot-ikot para ipakita ang aking kasoutan.

"Oo naman po, senorita. Kahit ano po yatang kasuotan ay na babagay sa inyo"manghang sagot niya.

"Galing mo mambola"

"Edi po ako nambobola, senorita. Halina po kayo at baka gabihin pa tayo sa ating pupuntahan"

"saan ba tayo pupunta? Guadalupe"

"Basta, ang masasabi ko lamang ay mag e-enjoy ka"

"Medyo gumagamit ka na ng wikang engles ah!"

"syempre po senorita, kayo ang aking guro"natutuwa niyang tugon.

Umalis na kami ng mansyon at nag pahatid sa isa naming tauhan. Itim na sasakyan ang aming ginamit ito ay pagmamay-ari ng aking ama.

Sinabi ni Guadalupe kay Mang Nestor ang lugar na aming pupuntahan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta pero bahala na. Pero sana ay makalimutan ko ang lungkot na aking na darama.

I Travel Back in 1941Where stories live. Discover now