Chapter 10

25 2 0
                                    

Pagkatapos ng nakakahiyang kaganapan na iyon ay sabay-sabay na kaming nasa hapag-kainan. Nagdasal muna kami bago kumain medyo nagugutom na ako ngunit iniinda ko na lamang ito.

Intayin ba naman naming dumating ang lalaking ito bago kumain. Buti na lamang ay nag meryenda ako kanina kung hindi ay mahimatay na ako sa gutom kakahintay sa lalaking ito.

"Oo nga pala balae di nyo pa ba nasasabi sa kanya?" tanong ni Ginang Lorena sabay tingin sa akin.

Nagkatinginan sila ama't ina at natuturuan kung sino ang unang magsasalita. Tumayo si ama at inayos ang kanyang americana.

"Nais kung sabihin sa inyo kung para saan ang pagsasalung ito. Itoy ianunsyo ang pag-isa ng pamilya Dela Fuente at Mitchell sa pamamagitan ng kasal!"

Dahil sa sinabi akoy nagulat at biglang hinampas ang aking kamay sa misa dahilan upang mapalingon sa aking gawi ang lahat. Pero tanging si David lang ang aking nakikita lalo pa't nasa harapan ko siya.

Alam ko namang nakatakda na akong ikasal ngunit hindi ako sang-ayon sa plano nila ama't ina.

At isa pa ay mayroon akong napupusuang ibang ginoo. At hindi ito alam ng kahit na sino man sa kadahilanang nakatakda akong ipakasal sa taong hindi ko pa nakikilala.

"Trinidad anak" malumanay na wika ni Ina.

"Bata ka pa lamang ay alam mo na ang bagay na ito,  hindi ba trinidad?" tanong ni Ama.
Pero dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ay lumayo ako sa kanila. Narinig kung tinawag ako nila kuya at ina ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo palayo sa mansyon,  palayo sa kanila.

Nakalayo na ako at nasa isang puno ng narra kung saan lagi pinupuntahan ni frangco. Matagal ko na siyang nobyo ngunit dahil sa isang kasunduang kasal at dahil sa takot ko sa aking mga magulang ay wala akong lakas na loob upang sabihin na may napupusuan na ako.

"Trinidad mahal!" At narinig ko ang pamilyar na boses at agad ko siyang niyakap ng mahigpit at humagulgol sa kanyang mga bisig.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako mula sa pagkatulog. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita ko o hindi pero isa lang ang alam ko ala-ala yun ni Trinidad. At ng dahil dun maslalo akong naguguluhan sa mga nangyayari.

Hindi ko nga alam kung paano ako na punta sa panahon na ito pati na rin sa katawan ni Trinidad. At bakit ko napanaginipan ang mga alala ni Trinidad.

Tinignan ko ang bintana at madilim pa ang paligid. Naramdaman kung nag-aaway na ang mga alaga kung uod sa tiyan. Dahan-dahan akong humakbang pababa ng hagdan upang hindi makagawa ng ingay dahil tulog na silang lahat at madaling araw pa lamang siguro dahil medyo madilim pa sa labas.

"Ano ba yan, anong puwede kung makain dito?" Naghanap ako ng maari kung makain sa kusina.

Hindi pa kasi kumakain nakatulog na ako di manlang nila ako ginising at pinakain.

Nagikut-ikut ako sa kusina ng mansyon ni Trinidad. Infairness malawak yung bahay nila mas maganda pa sa bahay namin kahit medyo old interior na pero mukhang bago parin dahil nasa taong 1941 ako kaya di pa siya binomba ng mga hapon. Old spanish interior yung bahay kaya pala senorita tawag sa kanya kasi senorita naman talaga siya eh.

Nasa kusina na nila ako malawak yung kusina nila kisa kusina namin malinis pa. Yung madaming nakatambak na hugasin medyo napabayaan pa kala mo walang nakitira.

Binuksan ko yung cabinet nila na sa tingin lagayan ng pagkain. Hindi ako nagkamali rich kid nga talaga si Trinidad daming biscuit sa cabinet nila na sa tingin ko pang isang buwan.
La pacita biscuit ito pala yung vintage model ng la pacita biscuit.

 Tinikman ko yung biscuit pero hindi ako makapaniwala na mas masarap siya kisa sa La pacita sa panahon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinikman ko yung biscuit pero hindi ako makapaniwala na mas masarap siya kisa sa La pacita sa panahon ko. Nagtimpla na rin ako ng kapeng barako at kumuha pa ng biscuit at iniligay ko sa mangkok.

Umupo ako sa hardin ng mansyon nila Trinidad meron kasi silang tambayan doon dala-dala ko ang kape at biskwet ko.

I Travel Back in 1941Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon