Chapter 27

1.4K 78 4
                                    

Chapter 27

My body stiffened like my feet stuck on a mud and I can't move my feet. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Akala ko ay namamalikmata lamang ako pero hindi. He's here and showed up in my house.

And he looked different from the time I've left Japan. Napatitig na lamang ako sa mukha niya. Ang linis ng mukha niya dahil bagong gupit ang kanyang buhok. Nangungusap ang kanyang mga mata na halos isang buwan ko ring hindi nakita. Ang katawan niya ay nag-iba kumpara noong huli ko siyang makita. Halos pumutok na ang butok ng polo sa kanyang dibdib dahil sa hapit na hapit na ito.

Even though I wanted to be the one who come at him and give him a hug. He was the one who walked towards me. Inalis niya ang kamay sa loob ng bulsa at nang malakapit sa akin ay kanyang inangat ang kamay at inabot ang pisngi ko.

Our lips touched. Agad niya rin iyong binawi at pinalitan ng mahigpit na yakap. I rested me head on his head while his hands are on my head and one on my back. It was warm. It was something I've been longing for pero bigla rin akong napalayo sa kanya nang ma-realize ko ang nangyayari sa amin ngayon.

Napauwang naman ang bibig ko habang tinitigan ko ng mariin ang mukha niya.

"W-What's wrong, Lav?"

Napalunok naman ako ng laway. Parang biglang may batong humarang sa lalamunan ko. Should I shout Darna para naman magbago ang nararamdaman ko ngayon?

This is overwhelming. This is so unexpected.

Nakaramdam naman ako bigla ng pagtaas ng sikmura. Tinakpan ko naman ang bibig ko.

"Excuse me," aniko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Umalis ako sa harapan niya at tumakbo ako papuntang powder room. Lumuhod ako sa harap ng bowl at naduwal na lamang ako. Mga ilang minuto ko ring pinalagayan ang sikmura ko hangga't sa pakiramdam ko ay maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Tumayo ako at tumungo sa sink para maghugas ng kamay at magmumog. Then I looked at myself.

Para akong sabog na ewan. Walang suklay suklay ang buhok ko. Sinalok ko ang kamay ko sa umaagos na tubig mula sa faucet at sinaboy koi to sa mukha ko. I grabbed some paper towel at marahan kong pinunasan ang mukha ko. Kinuha ko rin ang brush mula sa shelf sa tabi at sinuklay ko ang buhok.

And why in the world nag-aayos ako? Just because Trent's here at nakuha ko nang mag-ayos sa sarili ko?

Bago ako lumabas ng pinto ay napahugot pa ako ng malalim na hininga. Kailangan na kailangan ko ng lakas ng loob na harapin ang taong iniwan ko na lang nang basta basta noon. Walang pasabi. Walang paliwanag o kung ano man. Ngayon ay nagi-guilty akong harapin siya.

Pero ang tanong ay paano niya nalaman na rito ako nakatira?

At masasagot ko lamang ang tanong na 'yon kung haharapin ko siya.

Inabot ko ang doorknob at hinatak ang pinto para tuluyan akong makalabas. Ngunit bumungad naman sa akin si Trent pagbukas ko pa lamang ng pinto. He looked so worried. Hinuhuli nito ang mga mata ko pero pilit kong iniiwas na makipagtitigan sa kanya. Pansin ko rin ang pag-igtring ng panga niya.

Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Would he tell me na ang laking problema ang dinulot ng pag-alis ko ng walang paalam? Maybe he would pressed it to my face after a month-long away from each other.

"Are you okay?" he asked, I can still sense the worry and fear—not sure in his tone.

I nodded. "Yes. I'm good."

"Are you pregnant?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki rin ang mata ko kasi hindi ko inaasahan na maririnig yon sa kanya.

Night Life in TokyoWhere stories live. Discover now