Chapter 15

812 58 4
                                    

CHAPTER 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 15

Not Allowed

* * * * *

Care Billones

9:00 AM

Ngayong araw ang pagbabalik ko sa klase matapos ang pag-shift ko sa online schooling. Naging normal na ang lahat para sa akin, maliban na lang sa pamamalakad dito sa La Cota. Maayos na ang dorm unit namin nina Jen at Yarsi, at bumili na rin kami ng ilang pagkain sa grocery para may stock na sa loob ng dorm. Iyon din kasi ang napansin ni Nur dati at ayaw ko namang laging kumain sa Snak Hauz para gumastos.

Nakasalumbaba akong nakikinig habang nagdi-dicuss ang professor namin. Wala rin akong masyadong naiintindihan dahil inaantok pa ako. Papikit-pikit ang aking mata at gusto pa ring dumikit ng likod ko sa malambot na kama. Idagdag mo pang nasa likuran kami nina Jen at Yarsi. At, halos lahat ng nandito sa likod ay nakasubsob ang mukha sa arm chair. Gusto ko na ring makigaya sa kanila at umidlip.

Bigla naman akong kinalabit ni Jen kaya sa kaniya ko ibinaling ang tingin. Ibinuka ko ang aking bumabagsak na mata at nilapat niya rito ang phone ng screen niya. Bahagyang naningkit ang aking mata dahil nakasisilaw ang brightness na nagmumula sa kaniyang screen. May nakikita naman akong video na may nagtatakbuhan, may mga pulis, bumbero, kung saan-saang liwanag at napakagulo. Inangat ko ang tingin at walang tinig kong tinanong si Jen ng, "Saan 'to?"

"City hall," bulong niya. "Ito 'yong pinag-uusapan nina Nur at Kelsey kagabi sa Snak Hauz."

"Ha?" walang preno kong sambit kaya lahat ng tao pati na ang prof ay lumingon sa amin.

"Excuse me, Ms. Billones?" maotoridad na tanong ng babaeng prof namin. Inayos pa niya ang bridge ng kaniyang salamin.

Nanigas ako sa pwesto ko dahil lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Para akong nakakakita ng libo-libong paniki sa loob ng kweba. Nakakikilabot.

"Uhm," sambit ko at napalunok pa ako.

"Oh. My. Gosh!" sigaw naman ng isa kong blockmate at napatayo pa siya sa kinauupuan niya. Naroon siya sa harapan kaya sa kaniya naman nailipat ang lente ng mga mata ng mga tao rito sa silid. "Ma'am, nagkakagulo ngayon sa city hall! Guys, check n'yo Twitter or Facebook. Bilis!"

Mabilis pa kay The Flash ang pagbunot ng kani-kanilang cellphone at agad na nag-browse tungkol sa nangyayari ngayon sa city hall. Napuno ng singhap ang buong klase.

Maya-maya, may anunsyo na kaming narinig.

"Good morning LCU. We found out that group of students from our university attended the Monday Protest. We are encouraging all faculties to attend the emergency meeting that will be held at School of Medicine Building. Classes are suspended for today. Thank you."

Agad ding nagpaalam ang prof namin. Naiwan kami ritong nagtataka, aligaga at may halo-halong emosyon.

"May number ka ba ni Nur, Yarsi?" tanong ni Jen. Tumayo na kami sa mga upuan namin dahil isa-isa na ring nagsisilabasan ang mga estudyante. Sukbit-sukbit ko na rin ang aking bag.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon