Chapter 30

722 46 0
                                    

CHAPTER 30

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 30

The Announcement

* * * * *

Care Billones

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking talukap. Agad kong isinalag ang aking braso at pakurap-kurap na gumising. Bigla na lang akong ngumiti dahil naalala ko 'yong nangyari kagabi. Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Naluha pa nga siya pero 'di ko alam kung bakit kaya 'di ko na lang din pinansin. Basta, parang may tumutubong bulaklak sa aking tiyan.

Nasaan na kaya siya? Gusto kong makausap muli si Nur.

Bumangon na ako't umupo sa banig ko.

"Ganda ng ngiti natin ngayon, ah," tukso ni Minda habang may hawak-hawak na pandesal sa kamay.

I chuckled and playfully rolled my eyes.

"Hala, ang landi mg itsura mo d'yan, Ms. Billones." Umupo na siya sa tabi ko sabay kagat sa pandesal. "May napanaginipan ka 'no?"

Nalukot ang aking mukha. "Wala! Issue ka."

"Hala ka 'te! Anong issue ro'n?" pataray niyang sabi.

Medyo naninibago lang ako sa ganitong anyo ni Minda na walang lollipop sa bibig at medyo madaldal na parang isang bitch.

Mapanloko akong bumuga ng hangin. "Ewan ko sa 'yo."

"Hoy girl! I'm a lady, too. Sabihin mo na kasi sa akin," nguyang-sabi niya at nakikita ko pa sa bibig niya ang pagdurog ng pandesal doon. Bahagya akong nangiwi.

"Bahala ka nga d'yan. Kukuha na ako ng almusal ko."

Inangat ko na ang aking puwet mula rito sa banig at pinagmasdan ang classroom. Tulog pa ang iba at ang iba nama'y kumakain na.

"Ang damot mo," bagot niyang saad. "Kumain ka na nga!"

Palihim akong natawa. Lumabas na ako sa classroom na hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

Saang classroom ka ba natutulog, Nur?

* * * * *

Tanghali na't hindi ko pa rin nakikita si Nur. Bumigat ang aking balikat at malungkot na pumunta sa covered court para magtanghalian.

Nagkita nga ba talaga kami kagabi o panaginip lang 'yon? His eyes, his lips, his hands who touched my soul felt real. Imposibleng maging panaginip 'yon pero naguguluhan na ako. Bakit wala pa rin siya?

Kasama ko naman ang mga ka-org mates ko't tabi-tabi kami rito sa isang mahabang mesa. Naglatag ng ilang mesa rito at may dahon ng saging ang nakapatong sa bawat mesa. May kanin, isda, manok, gulay at prutas. It's a boodle fight.

May naririnig din akong putok ng mga baril sa may 'di kalayuan. Nag-eensayo na kasi ang LACOFRA lalo na't karamihan sa mga taga-LCU ay hindi sanay humawak ng baril o makipagdigma.

"Kami ang nag-prepare nito," bulong sakin ni Tim habang inihahayag niya ang kaniyang palad sa pagkaing nasa harap namin.

Ang grupo kasi namin ni Tim ang itinalaga sa paghanda at pag-aayos ng kagamitan para sa LACOFRA. Kung may mga warriors sa harap, may mga tao rin behind the scenes, at kami 'yon.

"Bakit 'di n'yo ako pinasama. Kaya pala 'di ko kayo nakita kanina," halukipkip kong maktol.

"Kaya na kasi namin, Care,"

"Tse, kaya ko rin naman 'yan."

Napahagikhik na lamang si Tim. "Next time. At saka, kailangan kasing maayos ka. 'Di ba, ipapa-fake hostage ka? Kaya . . . mas okay kung gumala-gala ka nalang dito sa loob ng kuta." Ginulo-gulo niya ang aking buhok habang nakangiti siya sa akin. Inirapan ko na lang siya.

Natapos din ang ilang saglit, sinimulan na namin ang pagkain ng tanghalian. Tawanan ang bumalot sa buong paligid. May mga putok pa rin akong nadidinig kaya baka patuloy pa rin ang training ng iba.

Tinitigan ko ang mga ka-org mates ko at nakangiti rin silang kumakain at nagtatawanan. Naniningkit pa nga ang mga mata nila maliban kay Ronald na hanggang ngayon ay wala pa ring face reveal dahil sa napakahaba niyang bangs.

Pinaandar naman ng isa naming kasamahan ang maliit na TV sa unahan para manood ng balita. NewsNoon-Net kasi ang palabas sa TV tuwing ganitong ang oras.

Tuloy lang ako sa pagnguya at paglunok nang bigla akong natigilan dahil sa ibinabalita. Doon ko muna itinuon ang aking pansin at gano'n na rin pala ang lahat ng miyembro ng La Cota. Ang aming ulo ay nakatama lamang sa TV sa harap.

"Mayor Billones of La Cota City will arrest all people in La Cota that supports the terrorist group, LACOFRA."

Nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid.

"'Di naman tayo terorista."

"Bakit may mga naiwan pa sa loob?"

"Kailangan silang maligtas."

Ibinaling ko muli ang aking tainga roon sa balita.

"Suspects will be jailed and questioned for further investigation. So far, La Cota City remained to be quiet these days as people evacuated for their safety. This is Crisel Rago, NewsNoon-Net."

May bigla namang humampas sa mesa kaya nagtalunan ang pagkain sa aking harapan. Mabuti na lang at hindi iyon gaanong kumalat.

"Kailangan na nating sumugod sa La Cota!"

"Oo," pagsasang-ayon ng iba.

"Wala tayong mapapala rito kung magtatago lang tayo!"

"SHUT UP!" sigaw ng isang babaeng mula naman sa kabilang mesa. Ang boses na iyon ay dumaloy sa buo kong katawan kaya nagtayuan ang lahat ng aking balahibo.

Nilingon ko ang taong iyon at nakatayo siya roon sa mesa ng mga kasamahan niya. Si Kelsey pala iyon.

"We have other plans. Just wait. This plan A is one way to stop all of this and we are hoping that this will work." Ipinihit ni Kelsey ang kaniyang ulo na tila kwago at tumama ang kaniyang mata sa akin. "We will use Care as our hostage."

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon