Chapter 6

1.3K 102 12
                                    

CHAPTER 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 6

Night Inside La Cota University

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Naalimpungatan ako ng gising nang makarinig ako ng isang sigaw rito sa loob ng Woods Area ng Snak Hauz. Nakasubsob ako sa mesa at papikit-pikit na pinagmasdan ang paligid. Nilibot ko ng tingin ang Woods Area at agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang makitang sinasabunutan ni Kelsey si Care.

I hastily walked towards them.

"Stay away from her," walang emosyon kong sabi.

Kelsey laughed in disbelief. She crossed her arms and tilted her head. "Oh, hi Mr. Ibrahim. Looking good pa rin, ha. Friend mo na rin ba 'tong animal na 'to?" Inginuso niya ang kaniyang labi sa pwesto ni Care. Nakangiwi ngayon si Care habang kinakapa-kapa ang kaniyang nasabunutang buhok.

"Nope, we're not friends. Pero puwede bang layuan mo na lang siya. You're making a scene, Kelsey."

"Oh, am I? Am I making a scene?" umismid siya habang tinuturo-turo pa niya ang kaniyang sarili.

"Yes, you are!" sabat naman ni Yarsi. "Puwede bang umalis ka na lang dito bago pa ako may gawin sa 'yo. You don't know me, Kelsey," nanggagalaiting wika niya.

Kelsey just rolled her eyes. Tumitig pa siya kay Care na may ngisi sa kaniyang labi-isang ngising nakaaasiwa. "Mabuti na lang to the rescue itong mga friends mo. Tingnan na lang natin kung hanggang saan, hanggang kailan ka nila poprotektahan." Marahas pa niyang hinawi ang kaniyang buhok bago tumalikod at nilisan ang lugar na ito.

Nakahinga naman nang maluwag ang tatlong babae at inalo nina Yarsi ang naagrabyadong si Care. Marahang tinulak ni Yarsi ang wheelchair ni Care palapit sa kanilang round table.

Napakamot na lang ako bigla ng batok dahil baka mawirduhan sila kung uupo ako at makikisama sa kanila.

Huminga muna ako nang malalim bago ko gawin 'yong nasa isip ko.

Maayos na silang nakaupo at tinabihan nila ang wheelchair ni Care para pakalmahin dahil panigurado ay nagulantang siya sa nangyari.

Inihakbang ko na ang aking paa at hinayaan ang aking sariling makalapit at makisama sa round table nila. Umupo ako nang tahimik pero napansin ako ni Yarsi. Nagtagpo ang mga mata namin. Bakas sa mukha niya ang kaunting pagtataka dahil medyo nalukot iyon.

"Why are sitting with us?" she mouthed.

I just shrugged and awkwardly smiled at her. Napansin na rin ako ng babaeng maangas ang itsura. Tinaasan niya ako ng kilay pero ngumiti rin siya sa akin 'di kalaunan.

"Thanks for your help," aniya.

"Okay lang 'yon," nahihiya kong sagot. "Is ... she ... okay?"

Nag-angat ng tingin si Care at tumama ang kaniyang mata sa akin. Parang pinaliguan ako ng glue at hindi na ako nakagalaw sa aking pwesto. Tila umakyat naman ang dugo sa aking pisngi at uminit iyon. Napalunok na lang ako nang bigla siyang ngumiti.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon