Chapter 23

739 47 1
                                    

CHAPTER 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 23

The Beginning of Chaos

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Imbis na tilaok ng manok ang bumungad sa aming umaga, sandamakmak na katok ang naging alarm namin ngayon. Nataranta ang aking mga ugat kaya mabilis akong kumilos. Dagli kong binuklat ang kumot na nakapatong sa aking katawan at bumangon dito sa aking kama. Isinuot ko ang aking tsinelas kahit 'di na ito naayos at pumunta sa sala. Naroon ang aking pamilya, si Omerah at ang kaniyang pinsan. Tila may kuryente namang dumaloy sa aking likuran na nagpatayo sa aking balahibo upang maging alerto.

"Ako na ang titingin sa labas," presenta ng aking Abi (Ama) na nakasuot pa ng puting damit at pajama.

"Sasamahan na po kita," pagsunod ko.

Tumango lamang siya na walang bakas na emosyon ang makukuha sa kaniyang mukha.

"Dumito lang kayo," pirming sabi ni Abi sa pamilya ko.

Sinimulan na namin ni Abi ang paglapit sa pinto at limang malalakas na katok ang nagmula sa pintong gawa sa kahoy.

Bawat paghakbang ng aking paa ay ganoon din ang pagtibok ng aking puso. Kinailangan kong huminga nang malalim upang mapakalma ang aking sarili.

Pero... bakit ba may kumakatok? Bakit ganoon kalakas? May kaaway ba ang pamilya ko? Paano kung mamamatay tao pala 'yong kumakatok?

Hindi ko na alam. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa aking isipan. Wala akong mahagilap na sagot sa dagat ng mga tanong.

Hindi ko na rin namalayan na nasa harap na kami ng pinto dahil sa kaiisip ko ng mga bagay-bagay at karamihan doon ay negatibo. Nakadikit na ang palad ni Abi sa busol ng pinto at anumang oras ay pipihitin na niya iyon at makikita na namin kung sino nga ba ang gumising sa amin.

Gusto ko sanang pigilan ang pagpihit ni Abi roon ngunit tila binuhusan ako ng semento't 'di makagalaw. Dinadapuan ako ng takot sa aking balikat dahil baka ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto ay may dalang baril at sunud-sunod niya iyong papuputukin hanggang sa iwan na ako ng aking kaluluwa. Pero kahit na ganoon ang iniisip ng isang bahagi ng aking utak, may parte naman sa kabila na gustong malaman kung sino iyon.

Narinig ko na lamang ang paglagitik ng pinto at ang linya ng liwanag mula sa siwang ng pintuan ay binibisita ang loob ng aming bahay.

Napaatras na lamang kami ni Abi dahil marahas na tinulak ng taong nasa labas ang pinto kaya naipikit ko ang aking mata dahil sa liwanag ng umagang galing sa labas. Ngunit nawala rin iyon nang sinara ng taong nakakulay itim na damit ang pinto.

Hingal na hingal siyang humarap sa amin at ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo't sentido ay dumadausdos na pababa. May kapayatan din ang lalaking ito.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon