Chapter 17

7 1 0
                                    

"Lari."

Natigilan ako. Parang nabingi ang tenga ko. Napakurap ako at napalunok.

Ang boses na iyon, pamilyar sa akin.

Nagtaboy sa akin.

"Dito ka lang, Lari," rinig kong bulong ni Shan.

Tumingala ako sa kanya bago sumilip sa siwang sa pagitan nila ni Kuya Sam.

"Kuya Rio?" bulong ko. Nanlaki ang mata ko nang makita siya ulit.

Magulo ang buhok niya. Ang laki ng eyebags niya. May sugat siya sa gilid ng labi. May lungkot sa mata niya.

Wala iyong Kuya Rio na nakilala ko dalawang buwan na ang nakakalipas.

Ta'mo tong lalaking 'to, hindi nag-iingat. Hindi inaalagaan sarili.

"What are you doing here, Mr. Asiamonte?" malamig na tanong ni Kuya Sam.

Nagtama ang paningin namin. "Si Lari."

"Walang Lari rito, kaya makaka-alis ka na, Mr. Asiamonte," pagdidiin pa ni Shan sa apilyedo ni kuya.

Umiling siya at hindi pa rin kinakalas ang tingin sa akin. "S-si Lari, gusto ko siyang makausap."

Kumunot ang noo ko. Lari raw oh. Akala ko ba hindi niya ako kilala?

Hinila ko ang laylayan ng polo ni Shan. "Ako na."

"Lari, 'wag mong sabihing magiging marupok ka?"

"Pinagsasabi mo?" kunot-noo kong tanong. "Kakausapin ko lang para paalisin."

May kinuha akong poster sa bag bago dumaan sa espasyo nila Shan at Kuya Sam. May advantage talaga ang pagiging maliit ko.

"Lari," tawag sa akin ni Kuya Sam.

Bumaling ako kay kuya at nginitian siya. "Sandali lang 'to."

Naglakad na ako papalapit kay Kuya Rio na nakangiti sa akin. Umiwas ako ng tingin. Ngiti niya kasi.... na-miss ko. Lah, umayos ka, Lari. Bata ka pa.

"Lari," tawag niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko. "Lari raw?" tumawa ako nang mapakla. "Akala ko ba hindi mo ako kilala? Ano nga 'yong sabi mo? Who are you?" panggagaya ko pa sa boses niya.

Lumungkot ang mata niya. Bwiset naman.... bakit 'di ko kayang makita ang lungkot niya? Putspa talaga naman.

"Sorry. Sorry. Gusto lang kitang makausap."

"Akala ko ba stay away from me?" tanong ko.

"Please," sabi niya, nagmamakaawa.

Kumuyom ang kamao ko. Ayokong humina. Ayokong matibag ang bato dahil lang sa please niya.

Huminga ako nang malalim bago binuklat ang poster ng Seventeen at nilahad 'yon sa kanya.

"Ikaw 'to?" tanong ko habang nakaturo sa mukha ng leader.

"N-no," umiling siya.

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now